31/10/2023
Magandang araw po sa inyong lahat,
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa Panginoon sa biyayang kanyang ibinigay sa akin bilang inyong bagong Sangguniang Kabataan Chairperson ng Brgy. San Pedro 2. Sa bawat araw, palaging kasama natin ang Kanya gabay at tulong upang maging mas mabuting lider para sa inyong lahat.
Nais ko rin pong magpasalamat sa mga taong walang sawang sumuporta sa akin mula sa simula ng aking kandidatura hanggang sa tagumpay na ito. Ang inyong tiwala at suporta ay nagbibigay lakas sa akin upang magpatuloy na maglingkod.
Hindi ko rin po nakakalimutan ang aking pamilya, na laging nariyan upang sumuporta at magbigay inspirasyon sa akin. Kayo po ang aking naging inspirasyon para pagbutihin ang aking mga layunin bilang SK Chairperson.
Ipinapangako ko po na lahat ng aming plataporma bilang samahan para sa kabataan ng San Pedro 2 ay aking ipaprioritize. Ang inyong mga pangangailangan at mga adhikain ay magiging pangunahing prayoridad natin. Sa tulong ng Diyos at sa ating masisipag na kasama sa SK, magkakaroon tayo ng mga proyektong makatutulong sa pag-unlad ng ating barangay.
Ipinapakiusap ko rin ang inyong patuloy na suporta sa akin at sa ating mga nahalal na SK Members. Sa pagkakaisa natin at sa tulong ng bawat isa, mas mapagtatagumpayan natin ang mga layunin at proyektong inilatag para sa kabataan ng ating barangay.
Maraming salamat po, at nawa'y patuloy tayong magtulungan upang makamtan ang mga adhikain natin para sa ating kabataan at barangay. Mabuhay po tayong lahat! Congrats po sa lahat ng nanalo at syempre po sa aking Team na Team SIKAP Salamat sa ating samahan at patuloy pa din tayong magsasamsa -sama. Godbless po๐