Kaya Natin Youth - BULSU

Kaya Natin Youth - BULSU Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership.

Youth - BULSU is a voluntary student-led movement that serves as a sanctuary for effective, ethical, and empowering leaders; a youth arm of Kaya Natin!

ENDORSEMENT STATEMENTMatapos ang masusing deliberasyon at pagkakaroon ng consensus sa loob ng organisasyon, ang Kaya Nat...
12/06/2026

ENDORSEMENT STATEMENT

Matapos ang masusing deliberasyon at pagkakaroon ng consensus sa loob ng organisasyon, ang Kaya Natin! Youth โ€“ BulSU ay pormal na nag-eendorso kay Hon. Iesu Cruz bilang aming suportadong kandidato para sa posisyon ng Student Regent.

Bilang isang organisasyong nagsusulong ng ethical leadership, good governance, accountability, at meaningful student participation, naniniwala kami na taglay ni Hon. Cruz ang kakayahan, integridad, at dedikasyon na kinakailangan upang maging epektibong kinatawan ng mga estudyante sa pinakamataas na antas ng pamamahala ng unibersidad.

Ang pag-eendorso na ito ay bunga ng demokratiko at konsultatibong proseso sa loob ng organisasyon at sumasalamin sa kolektibong tiwala ng aming mga miyembro sa kanyang kakayahang isulong at ipaglaban ang kapakanan, boses, at interes ng student body.

Nawa'y magsilbi itong panawagan para sa patuloy na pagsusulong ng transparency, accountability, at tunay na representasyon ng mga estudyante sa lahat ng antas ng pamamahala.

Para sa etikal na pamumuno, mabuting pamamahala, at makabuluhang representasyon ng mga estudyante

Happy 128th Independence Day!
12/06/2026

Happy 128th Independence Day!

POV: Andres Bonifacio when he was escaping from Filipino soldiers

๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—จ๐—ฅ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—œ๐—Ÿ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—˜๐—ก๐—จ๐—œ๐—ก๐—˜๐—Ÿ๐—ฌ ๐—”๐—–๐—ง ๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—•๐—ข๐——๐—ฌBilang isa...
11/06/2026

๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—จ๐—ฅ๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—œ๐—Ÿ ๐—ง๐—ข ๐—š๐—˜๐—ก๐—จ๐—œ๐—ก๐—˜๐—Ÿ๐—ฌ ๐—”๐—–๐—ง ๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง ๐—•๐—ข๐——๐—ฌ

Bilang isang organisasyong nagsusulong ng ethical leadership, good governance, transparency, at meaningful student participation, naninindigan ang Kaya Natin! Youth โ€“ BulSU sa kahalagahan ng wastong proseso at tunay na representasyon sa lahat ng usaping may kinalaman sa kapakanan ng mga estudyante.

Naniniwala kami na ang mga student council, maging sa antas ng departamento, kolehiyo, o unibersidad, ay hindi lamang may kapangyarihang magpasya para sa kanilang mga nasasakupan kundi may tungkulin ding konsultahin at pakinggan ang kanilang boses. Ang kanilang mandato ay nagmumula sa mga estudyanteng kanilang kinakatawan.

Sa mga usaping may malaking epekto sa student representation, gaya ng pagpili o pag-endorso ng kandidato para sa Student Regent, mahalagang masiguro na ang proseso ay bukas, konsultatibo, at sumasalamin sa kagustuhan ng mga estudyante. Ang kawalan ng sapat na konsultasyon ay maaaring magdulot ng mga katanungan hinggil sa transparency, legitimacy, at procedural regularity ng naging desisyon.

Nais din naming bigyang-diin na ang Student Regent ay kinatawan ng buong student body. Dahil dito, ang pagpili ng kandidatong susuportahan ay hindi dapat maging desisyon lamang ng iilang opisyal, board members, governors, o vice governors. Bagama't mahalaga ang kanilang papel sa proseso, hindi nito napapalitan ang mas malawak na partisipasyon at konsultasyon ng mga estudyanteng kanilang kinakatawan.

Ang tunay na diwa ng student representation ay nakasalalay sa pakikinig sa boses ng mga estudyante at hindi lamang sa pagpapasya para sa kanila. Ang konsultasyon ay hindi simpleng teknikalidad lamang; ito ay isang mahalagang sangkap ng demokratiko at responsableng pamamahala.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Kaya Natin! Youth โ€“ BulSU ang lahat ng student councils at student leaders na patuloy na itaguyod ang transparency, accountability, at participatory governance sa lahat ng proseso na may kinalaman sa student representation.

Sa huli, ang mabuting pamamahala ay hindi lamang nasusukat sa resulta kundi pati na rin sa integridad ng prosesong ginamit upang makamit ito.

Para sa etikal na pamumuno, mabuting pamamahala, at makabuluhang representasyon ng mga estudyante.

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐•๐‚๐ˆ๐€ ๐ƒ๐š๐ง ๐๐ž ๐ƒ๐ข๐จ๐ฌ! ๐ŸŽ‰Wishing our Vice Chairperson for Internal Affairs a day filled with happiness, good h...
07/06/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐•๐‚๐ˆ๐€ ๐ƒ๐š๐ง ๐๐ž ๐ƒ๐ข๐จ๐ฌ! ๐ŸŽ‰

Wishing our Vice Chairperson for Internal Affairs a day filled with happiness, good health, and well-deserved celebration. Thank you for your dedication, hard work, and service to the organization.

May this year bring you more success, growth, and meaningful opportunities. Enjoy your special day! โœจ๐ŸŽ‚


๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ ๐„๐ฆ๐ฆ๐š๐ง! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘‘On this special day, we celebrate not only your birthday but also your dedication and lea...
26/05/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐š๐ฒ, ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ ๐„๐ฆ๐ฆ๐š๐ง! ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘‘

On this special day, we celebrate not only your birthday but also your dedication and leadership as Chairperson of Kaya Natin Youth โ€“ BulSU. Your passion and commitment continue to inspire and create a positive impact on those around you. Wishing you good health, happiness, success, and a meaningful celebration ahead! ๐Ÿ’œ๐Ÿฉต๐Ÿ’š




Emmanuel Pandez

21/05/2026

๐—œ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ฒรฑ๐—ผ!


TINGNAN: Ang Kaya Natin! Youth - BULSU ay kaisang nananawagan sa malawak na samahan ng Youth Against Kurakot (YAK) na Pa...
18/05/2026

TINGNAN: Ang Kaya Natin! Youth - BULSU ay kaisang nananawagan sa malawak na samahan ng Youth Against Kurakot (YAK) na Patalsikin si Cayetano, Arestuhin si Bato, at Litisin si Sara.

Hindi tayo mananahimik hanggaโ€™t pulitika at korapsyon ang nananaig sa gobyerong dapat ay para sa tao at bayan.

Address

Brgy. Guinhawa
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaya Natin Youth - BULSU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share