29/03/2026
โAWARENESS IS WHERE PROTECTION BEGINS AND CHANGE TAKES ROOT.โ ๐ฃ
Nitong ika-25 ng Marso, ganap na isinagawa ang seminar na Walk in Her Shoes: Advancing Awareness and Prevention on Violence Against Women and Their Children (RA 9262) sa BulSU E-Library AVR B, mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.
Sa pagtalakay ng tagapagsalita na si Bb. Cathyrine De Guia tungkol sa paksa ng seminar, isa-isang binanggit ang ibaโt ibang porma ng pang-aabuso na nararanasan ng kababaihan at kanilang mga anak. Hinimay din sa diskusyon ang mga posibleng epekto ng pagmamalupit sa mga biktima nito, maging kung paano ito mailalapit sa kinauukulan upang tugunan. Higit pa rito, binigyang-diin din ng tagapagsalita ang tungkulin ng mga manggagawang panlipunan sa pagputol sa siklo ng VAWC sa ating lipunan.
Matapos nito, ay nag-iwan ang panauhing tagapagsalita ng isang mahalaga at mapagmulat na paalala para sa lahat. Aniya, โAwareness is where protection begins and takes root. When we truly understand VAWC, we find the courage to act and the strength to help.โ
Sa huli, nawaโy naging tulay ang seminar na ito upang lubos pang maunawaan ng bawat isa ang bigat ng gender-based violence sa buhay ng isang taong apektado nito. Ang bawat ulat at statistiko patungkol sa tumataas nitong bilang bawat taon ay hindi lamang simpleng mga numeroโito ay kuwento ng totoong karanasan ng totoong mga indibidwal na may nararamdaman. Kaya naman, gamitin ang mga aral na natutuhan upang tunay na makisimpatya at makagawa ng pagkilos para itaguyod ang isang ligtas, inklusibo, at pantay na lipunan para sa lahat.
Malayo pa, pero malayo-layo na. Sa ating kolektibong aksyon, makakamit din natin ang isang VAWC-Free Philippines! ๐๐งก