26/05/2026
Pagbati, KaPaRiz!
Nananatiling makabuluhan ang diwa ng edukasyon sa Kabataang Pangarap ni Rizal (KaPaRiz). Mula sa alaala ng taas-noong pag-apak-papasok sa pamantasan, hanggang sa paglingon sa pinagmulan, dala-dala ng mga natatanging mag-aaral ang imahen ng karunungan. Sa panahong ang lipunan ay unti-unting nababalot ng kawalang-kamalayan, sukbit ng mga nagsipagtapos at naparangalan ang pag-asang kanilang magamit ang mga aral upang makapanilbihan nang higit sa kapuwa.
Sa likod ng bawat pagkilala, mga medalya at sertipiko, ay ang mga paghihirap na kanilang dinanas. Bago makamtan ang kaginhawaan, naranasan muna ng bawat isa ang hagupit ng buhay. Bawat parangal ay katumbas ng di-maikokomparang oras sa pag-aaralβsakripisyong alay sa kung anuman o kung kanino man.
Malugod na pagbati sa mga KaPaRiz na nagpakita ng angking kahusayan sa kani-kanilang espesyalisadong larang! Nawa ay maging gabay ninyo ang mga pangaral ni G*t. JosΓ© Rizal tungo sa ikabubuti ng lipunan.