18/07/2025
Sanay na sanay ang BulSU admin na itinataya ang kapakanan ng mga estudyante kahit palpak naman ang pamamalakad!
Sa kabila ng kabulukan ng sistema sa paggamit at pagpapalit daw ng portal, rami ng kaso ng nag-midyear at hindi pa naibibigay na mga grado, at kakulangan sa kahandaan sa parating na academic year, ano't ang solusyon ng admin ay ang agarang pagbubukas ng taong-pampanuruan?
Bagaman usad-pagong ang announcement para sa enrolment at school calendar noong nakaraang linggo at makailang ulit na nagbago ng mga petsang naibaba, sasalubungin pa rin ng palpak na pamamalakad ni San Andres ang unang araw ng mga estudyante sa 28.
Sira pa rin ang portal!
Sa panibagong schedule, hindi makasasapat ang isang araw na enrolment sa sabay-sabay na mga kolehiyong kailangang mag-enrol. Ang pangako na bagong portal ay nagbunsod pa ng delay sa petsa ng enrolment. Animo'y di alam ng administrasyon kung paano pagtatakpan ang dati nang problema tuwing enrolment.
Ano naman ang aasahan ng mga may midyear classes?
Sa nakalipas na semestre, pinasan ng kabataang estudyante ang epekto ng mamamatay-taong patakaran ng neoliberal na edukasyon sa mukha ng Zero-Based Grading System, pagpapatuloy ng output-based education at online leaening. Kinailangang mag-midyear ng maraming estudyante para lang hindi mahuli kahit pa ang ibig sabihin ay kailangang bayaran ang mga special classes na iyon na naglalantad ng hindi pagiging libre ng edukasyon.
Sa suson-susong pasanin, iindahin pa ang kawalan ng pakialam sa kanila. Tinatanggal lang ng maagang pagbubukas ng klase, sirang portal, at hindi pa naibibigay na mga grado ang maskarang suot ng admin.
Pagkatapos pumatay ng ilang kabataan sa taas ng pamantayang itinatakda, kakaladkarin pa ang ibang kabataan sa mga patakarang pangmadalian.
Ang panawagan sa BulSU Admin:
IPAGPALIBAN NANG ISANG LINGGO ANG PAGBUBUKAS NG TAONG-PAMPANURUAN!
Hindi ito ang tipo ng edukasyong dapat na natatamasa ng kabataan. Lagi't laging hamon ang pagpapabaya ng administrasyon at estado sa iilan upang palakasin ang ating hanay at patuloy na mamulat, magmulat, mag-organisa, at kumilos. Hindi tunay na pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon ang natatamasa hanggang may isang kabataang binibigo ng kasalukuyang sistema.
SUMALI SA PANDAY SINING BULSU!

SUMALI SA MGA PAMBANSA DEMOKRATIKONG PANGMASANG ORGANISASYON!
Maging tunay, palaban at makabayan!