28/05/2026
BAGNAE-NEWS Update | Pagkakaroon ng Brownout sa Sitio Talabahan, Barangay Bagna
Kakadating lamang ni Kapitan Inocencio D.C. Villena Jr. upang maghatid ng mahalagang impormasyon kaugnay ng naganap na brownout sa Sitio Talabahan, Barangay Bagna.
Ayon kay Kapitan Villena, personal siyang nagtungo sa tanggapan ng Meralco sa Plaridel upang humingi ng agarang aksyon ukol sa pagkawala ng kuryente sa lugar. Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng Meralco, napag-alaman na ang naging sanhi ng brownout ay nagmula sa isang poste sa Talabahan.
Dahil umano sa naturang poste, nadawit ang ilang linya ng kuryente na nagdulot ng pagputok at kalaunaβy naging sanhi ng pagkawala ng suplay ng kuryente sa isang linya sa Sitio Talabahan.
Bagamaβt naging mahirap ang pakikipag-ugnayan sa Meralco, nagsikap at nagtiyaga sina SK Chairman Rene Boy J. Fernando at Barangay Chairman Inocencio D.C. Villena Jr. upang agad na matugunan ang nasabing problema.
Ngayong alas-4:00 ng hapon, kinumpirma na ng Meralco na papunta na ang kanilang mga tauhan upang ayusin ang nasirang linya ng kuryente.
Samantala, humihingi ng paumanhin ang buong Sanggunian sa abalang dulot ng hindi inaasahang insidenteng ito.
Pinapayuhan din ang lahat na manatiling maingat, umiwas sa mga nakabuyangyang linya ng kuryente, at uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration habang wala pang suplay ng kuryente.
Mag-ingat po ang lahat, mga BagnaeΓ±os!
Publisher;
- Sk Treas | Jazper Cruz