16/10/2025
Maligayang pagdating sa ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฒ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐๐๐ฏ - Marcelo H. Del Pilar National High School
Matagumpay na naisagawa ang site validation bilang bahagi ng Search for Top-Performing SINEliksik Bulacan Research Hub sa kauna-unahang Sineliksik Hub sa buong Sangay ng mga Paaralang Panglunsod ng Malolos --- ang Sineliksik Marcelo.
Pasasalamat sa BULACAN History and Heritage at PHACTO Maam May Arlene Torres sa pagbibigay ng pagkakataong maibahagi ang aming hub at ang pamayanan ng mga mag-aaral na nagtataguyod nito. Karangalan ng paaralan na madalaw ng mga kilalang tagapagtaguyod ng kasaysayan sa lalawigan sa pangunguna ni Dr. Jaime Veneracion at mga kasama. Pasasalamat din sa hindi nagmamaliw na suporta nina Sir Eyron Lozano, EPS I sa Araling Panlipunan at Dr. Vivo Mavic, Punongguro IV.
Patuloy na tatalima ang Sineliksik Bulacan Research Hub - MHPNHS sa misyon ng pag-aaral at pananaliksik sa kasaysayan ng Bulacan, upang mapanatili ang buhay at dakilang pagkakakilanlang nagpapakilala sa ating lalawigan at sa mga Bulakenyong umiibig dito!
Pagbati, Wiki Malolos Aklatang GAB, Ex Libris Library Volunteers, at KOLAB Social Science Education Collective sa pinagsamasamang dedikasyong itaguyod at isulong ang ating Hub! โค๏ธ