BulSU SG Committee on Student Groups - CSG

BulSU SG Committee on Student Groups - CSG This is the official page of the BulSU Student Government Committee on Student Groups.

OFFICE MEMORANDUM NO. 06, S. OF 2026-2027The Committee on Student Groups, headed by Senator Tristan Jay A. Bernal, offic...
09/08/2026

OFFICE MEMORANDUM NO. 06, S. OF 2026-2027

The Committee on Student Groups, headed by Senator Tristan Jay A. Bernal, officially released a Memorandum for the Postponement of the scheduled Second Committee Hearing and the Conduct of Committee Review on the Draft Non-Financial Resolutions as an alternative mechanism for the continuity of legislative works while taking into consideration the prevailing weather conditions.

Furthermore, the Committee Review to be conducted in lieu of a Committee Hearing must be properly publicized through the appropriate official channel of the Committee to uphold transparency and to ensure that concerned individuals are properly informed. The proceedings, findings, recommendations, and other relevant outputs of the Committee Review shall likewise be properly documented.

The Committee Vice Chairperson and Associates are hereby directed and expected to faithfully enjoin with the foregoing Committee Review to ensure continuity of legislative work.

For everyone's information, guidance, and strict compliance.

For student organizations and sectoral groups.

Read the full Office Memorandum No. 06 here:
https://tinyurl.com/CSG-Memo-06-2627
https://tinyurl.com/CSG-Memo-06-2627
https://tinyurl.com/CSG-Memo-06-2627


OFFICE MEMORANDUM NO. 05, S. OF 2026-2027The Committee on Student Groups, headed by Senator Tristan Jay A. Bernal, will ...
07/08/2026

OFFICE MEMORANDUM NO. 05, S. OF 2026-2027

The Committee on Student Groups, headed by Senator Tristan Jay A. Bernal, will conduct its Second Committee Hearing on the Draft Non-Financial Resolutions on August 09, 2026, at 4:00 PM via Google Meet.

Committee Vice Chairperson, Associates, and Floor Leaders are hereby directed to review the attached draft/s prior to the scheduled session for an efficient deliberation of the committee.

In view thereof, all concerned individuals are hereby enjoined to faithfully observe the foregoing attendance and participation for the efficient conduct of committee business.

For everyone's information, guidance, and strict compliance.

For student organizations and sectoral groups.

Read the full Office Memorandum No. 05 here:
https://tinyurl.com/CSG-Memo-05-2627
https://tinyurl.com/CSG-Memo-05-2627
https://tinyurl.com/CSG-Memo-05-2627


[POSTPONEMENT OF ARTLETICA: A SKILL DEVELOPMENT SERIES]Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong ...
07/08/2026

[POSTPONEMENT OF ARTLETICA: A SKILL DEVELOPMENT SERIES]

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Maymay, ang programang ARTLETICA: A Skill Development Series na nakatakda sa Agosto 8, 2026 (Sabado) ay ipinagpapaliban.

Ang panibagong iskedyul ng programa ay iaanunsyo sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng aming mga opisyal na plataporma.

Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa ang aming pangunahing prayoridad. Hangad namin ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng sama ng panahon. Nawa'y manatiling buhay ang ating sigla at dedikasyon sa pagpapaunlad ng sining at palakasan, habang patuloy nating pinahahalagahan ang ating mga alagad ng sining at mga atleta.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa. Mag-ingat po ang lahat.


[PARTNERSHIP]ARTLETICA: A Skill Development Series Ang bawat tagumpay ay nagsisimula sa isang desisyon, isang hakbang, a...
04/08/2026

[PARTNERSHIP]

ARTLETICA: A Skill Development Series

Ang bawat tagumpay ay nagsisimula sa isang desisyon, isang hakbang, at isang tapang upang umaksyon ayon sa kanilang mga pangarap.

Handa ka na bang tuklasin ang landas na para sa iyo?

Ang ARTLETICA ay isang espasyo na bukas para sa lahat ng estudyante ng Bulacan State University upang hubugin ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng seminar at workshop para sa:
- Sports
- Esports
- Dance
- Music

Kailan: Agosto 08, 2026
Saan: BulSU E-Library
Oras: 8:00AM to 12:00NN (Sports/Dance); 1:00PM to 5:00PM (Esports/Music)

Higit pa sa mga pangarap ang naghihintay.
Pagbabago.

Tara! Sama na sa ARTLETICA!


ARTLETICA: A Skill Development Series

Ang bawat tagumpay ay nagsisimula sa isang desisyon, isang hakbang, at isang tapang upang umaksyon ayon sa kanilang mga pangarap.

Handa ka na bang tuklasin ang landas na para sa iyo?

Ang ARTLETICA ay isang espasyo na bukas para sa lahat ng estudyante ng Bulacan State University upang hubugin ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng seminar at workshop para sa:
- Sports
- Esports
- Dance
- Music

Kailan: Agosto 08, 2026
Saan: BulSU E-Library
Oras: 8:00AM to 12:00NN (Sports/Dance); 1:00PM to 5:00PM (Esports/Music)

Higit pa sa mga pangarap ang naghihintay.
Pagbabago.

Tara! Sama na sa ARTLETICA!

Katuwang natin ang mga sumusunod na organisasyon:

BulSU CS BAND
CS Infinity Dance Crew
BulSU SG Committee on Student Groups - CSG
Bulsu SG Sports and Athletic Development Committee
Bulsu SG Socio-Cultural Affairs Committee
BulSU CAL Local Student Council
BULSU CCJE Local Student Council
BulSU CHTM Local Student Council
Bulsu SG CSER LSC
BULSU - San Rafael Campus LSC
Estudyante Esports

Ilustrasyon ni: Alteya Adriano

Nagkakaisang Pagtutol ng Bulacan State University Student Government – Environmental Committee, kaisa ang Student Counci...
31/07/2026

Nagkakaisang Pagtutol ng Bulacan State University Student Government – Environmental Committee, kaisa ang Student Councils, Student Organizations, at mga Mag-aaral ng Bulacan State University sa PAX Silica Project

Kami, ang Bulacan State University Student Government – Environmental Committee, kaisa ang Student Councils, student organizations, at mga mag-aaral ng Bulacan State University, ay nagpapaabot ng aming mariin at nagkakaisang pagtutol sa PAX Silica Project.

Hindi kami tutol sa pag-unlad, agham, o teknolohiya. Naniniwala kaming mahalaga ang inobasyon sa pagtataguyod ng pambansang kaunlaran. Gayunpaman, naninindigan kami na ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat nakabatay sa pagsasamantala sa ating likas na yaman, pagpapalalim ng pagdepende sa dayuhang interes, o pagsasakripisyo sa kapakanan, kalikasan, at kinabukasan ng mamamayang Pilipino.

Ang PAX Silica ay isang pandaigdigang inisyatiba na pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang supply chain ng artificial intelligence (AI), semiconductors, at critical minerals sa mga bansang itinuturing nitong "trusted allies." Bagama't ipinapangako nito ang paglikha ng trabaho at pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan, nananatiling seryoso ang mga usaping pangkapaligiran, pang-ekonomiya, at pampulitika na kaakibat ng naturang proyekto.

Una, malaki ang banta nito sa ating kalikasan at likas na yaman. Ang paggawa ng semiconductors at pagpapatakbo ng AI data centers ay nangangailangan ng napakalaking suplay ng tubig at enerhiya. Kasabay nito ang tumitinding pagmimina ng critical minerals na maaaring magdulot ng pagkakalbo ng kagubatan, pagkasira ng kabundukan, polusyon sa hangin at tubig, pagkawala ng biodiversity, at mas mataas na gastusin sa kuryente at iba pang pangunahing serbisyo. Sa gitna ng lumalalang krisis sa klima, hindi natin maaaring ipagpalit ang ating kapaligiran sa isang industriyang ang pangunahing pakinabang ay mapupunta sa mga dayuhang korporasyon.

Ikalawa, may panganib na lalo lamang maiipit ang Pilipinas sa tunggalian ng mga bansa. Bilang bahagi ng estratehiya ng Estados Unidos at Israel upang bawasan ang pagdepende nito sa China, maaaring mailagay ang Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensiyong geopolitikal. Sa halip na palakasin ang ating pambansang soberanya, maaari tayong maging instrumento lamang sa kompetisyon ng mga dayuhang kapangyarihan habang ang mamamayang Pilipino ang sasalo sa mga panganib nito.

Ikatlo, walang katiyakan na tunay na makikinabang ang mga Pilipino sa industriyang ito. Malaki ang posibilidad na manatili lamang ang Pilipinas sa mababang antas ng produksyon gaya ng assembly at packaging ng microchips, habang ang pananaliksik, disenyo, mataas na teknolohiya, at malaking kita ay mananatili sa mga dayuhang kumpanya. Sa halip na itaguyod ang tunay na pambansang industriyalisasyon, pinananatili lamang tayo bilang murang lakas-paggawa at tagapagluwas ng hilaw na materyales.

Ikaapat, patuloy na pinapaboran ng ganitong mga proyekto ang mga dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng malalaking tax incentives at iba pang insentibo, habang maliit ang naibabalik na kita para sa pampublikong serbisyo. Ang mga pondong dapat sana'y mapupunta sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan ay nalilihis upang bigyang-pribilehiyo ang malalaking dayuhang negosyo.

Bilang mga BulSUan at kabataang naninindigan para sa pangangalaga sa kalikasan, pambansang soberanya, at makatarungang pag-unlad, nananawagan kami ng:

- Tuluyang pagtigil at pagbasura sa PAX Silica Project, na nagsusulong ng isang modelo ng pag-unlad na higit na nakikinabang ang mga dayuhang kapangyarihan at malalaking korporasyon kaysa sa sambayanang Pilipino;

- Pagpapatupad ng isang komprehensibong National Artificial Intelligence (AI) Law na magtatakda ng malinaw na mga pananggalang na patakaran, mekanismo ng pananagutan, at mahihigpit na regulasyon sa pagpapaunlad at paggamit ng artificial intelligence, semiconductors, data centers, at iba pang umuusbong na teknolohiya upang matiyak na ang mga ito ay nagsisilbi sa pambansang interes, karapatang pantao, at pangangalaga sa kalikasan.

- Pagbuo ng isang Just Digitalization Roadmap na magtitiyak na ang digitalisasyon at modernisasyon ay magiging makatarungan, inklusibo, at nakasentro sa mamamayan—hindi nag-iiwan sa mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, kabataan, Katutubo, at iba pang sektor habang isinusulong ang paglago ng ekonomiya;
Ganap na transparency sa lahat ng kasunduan, feasibility studies, environmental impact assessments, at iba pang dokumentong may kaugnayan sa proyekto;

- Paggalang sa karapatan ng mga Katutubo (Indigenous Peoples) at iba pang lokal na komunidad sa kanilang mga lupaing ninuno, kabilang ang mahigpit na pagpapatupad ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) at pagtiyak na ang kanilang karapatan, kultura, kabuhayan, at kapaligiran ay hindi isinasakripisyo sa ngalan ng mga dayuhang pamumuhunan;

- Pagsusulong ng isang pambansang polisiya sa agham, teknolohiya, at industriyalisasyon na nakabatay sa pambansang soberanya, environmental justice, at kapakanan ng mamamayan, sa halip na sa interes ng mga dayuhang kapangyarihan at transnasyunal na korporasyon.

Hindi kami tutol sa teknolohiya. Ang aming tinututulan ay ang isang modelo ng digitalisasyon at "kaunlaran" na nagpapalalim sa pagdepende ng Pilipinas sa dayuhang interes, nagsasakripisyo sa kalikasan at sa karapatan ng mga komunidad, at hindi nagbubuo ng tunay na pambansang industriyalisasyon.

Naniniwala kami na ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa dami ng dayuhang pamumuhunan o laki ng mga imprastraktura. Ang tunay na pag-unlad ay yaong nagpapalakas sa sariling kakayahan ng bansa, gumagalang sa ating soberanya, nangangalaga sa kalikasan, at inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa interes ng mga dayuhang korporasyon
Higit kailanman, huwag nating hayaang makinabang ang mga dayuhan sa yaman ng ating bansa habang ang mga Pilipino ang patuloy na nawawalan ng bahagi sa sariling likas na yaman.

NO TO PAX SILICA!
PARA SA TUNAY NA MAKABAYAN AT MAKAKALIKASANG PAG-UNLAD!

OFFICE MEMORANDUM NO. 04, S. OF 2026-2027The Committee on Student Groups, headed by Senator Tristan Jay A. Bernal, forma...
31/07/2026

OFFICE MEMORANDUM NO. 04, S. OF 2026-2027

The Committee on Student Groups, headed by Senator Tristan Jay A. Bernal, formally released a Memorandum for the Mandatory Submission of Particular Plan of Action (PPOA) by Local Chairpersons and the designation of Committee Associates to the same for oversight and assistance in the entire Academic Year 2026-2027.

In view thereof, all concerned individuals are hereby enjoined to faithfully observe with the aforementioned deadlines and responsibilities.

For everyone's information, guidance, and strict compliance.

For student organizations and sectoral groups.

Read the full Office Memorandum No. 04 here:
https://tinyurl.com/CSG-Memo-04-2627
https://tinyurl.com/CSG-Memo-04-2627
https://tinyurl.com/CSG-Memo-04-2627


SOLIDARITY STATEMENT OF THE BULACAN STATE UNIVERSITY STUDENT ORGANIZATIONS ON THE PROPOSED GUIDELINES FOR THE CONDUCT OF...
29/07/2026

SOLIDARITY STATEMENT OF THE BULACAN STATE UNIVERSITY STUDENT ORGANIZATIONS ON THE PROPOSED GUIDELINES FOR THE CONDUCT OF STUDENT ACTIVITIES

The Committee on Student Groups expresses its firm opposition to the proposed Guidelines for the Integration and Conduct of Extra-Curricular and Non-Curricular Student Activities. While the University has a legitimate responsibility to uphold academic continuity, institutional preparedness, and student welfare, these objectives must not be pursued at the expense of students' fundamental rights to participation, representation, and meaningful engagement in university life.

Restricting these organizations contradicts the very principles of collaboration and participation necessary for building resilient institutions.

A genuine commitment to a zero-disruption academic culture should focus on effective planning, coordination, and accountability. It should not result in policies that unnecessarily limit student initiatives. Student activities are not barriers to academic achievement. They are among the experiences that contribute to a complete and meaningful education.

The Committee on Student Groups supports policies that improve coordination, accountability, safety, and institutional preparedness. However, we cannot support policies that unnecessarily restrict student participation, weaken organizational autonomy, or diminish the role of students in shaping the university community.

We call upon the University to revisit the proposed Guidelines through genuine consultation and meaningful dialogue with student organizations and sectoral groups. Student participation is not a privilege granted by the institution. It is a fundamental component of inclusive and quality higher education.

We do not ask for special treatment. We ask for the recognition of our rights as students, our role as members of the academic community, and our responsibility as partners in building a better University. Student organizations are not obstacles to education, they are among its strongest expressions. A university that limits student participation ultimately limits the leaders, innovators, advocates, and citizens it seeks to develop.

For meaningful and inclusive student participation.
For democratic university governance.
For a student-centered Bulacan State University.

Full Document of the Solidarity Statement:
🔗 https://tinyurl.com/33cmv7cs

Proposed Policy on the Conduct of Student Activities:
🔗 https://tinyurl.com/3k62c3ta


27/07/2026

Mula sa loob ng kampus, umaalingawngaw ang kolektibong panawagan ng mga kabataan! ✊

Nagmamartsa at nagkakaisa ngayon ang mga BulSUan, progresibong organisasyon, at iba’t ibang sektor sa Mini Forest ng Bulacan State University upang mariing tutulan ang Pax Silica.

Hindi lamang ito pagtutol sa isang kasunduan. Ito ay paninindigan para sa pambansang soberanya, makabayang edukasyon, at isang pamahalaang tunay na kumikilala at nagtatanggol sa interes ng sambayanang Pilipino, hindi sa interes ng dayuhang kapangyarihan.

Sa gitna ng mobilisasyon, umuugong ang panawagan: NO TO PAX SILICA!

REJECT THE PUPPET AND FASCIST U.S.-MARCOS REGIME!
NO TO PAX SILICA!
DEFEND NATIONAL SOVEREIGNTY!
STAND WITH THE FILIPINO PEOPLE!







HAPPENING NOW | BULSU KONTRA PAX SILICA MOBILIZATIONNagtitipon ang mga BulSUan, iba't ibang progresibong organisasyon at...
27/07/2026

HAPPENING NOW | BULSU KONTRA PAX SILICA MOBILIZATION

Nagtitipon ang mga BulSUan, iba't ibang progresibong organisasyon at sektor sa Mini Forest, Bulacan State University upang makiisa sa BulSU Kontra Pax Silica Mobilization, bitbit ang panawagan: No to Pax Silica!

Sa pamamagitan ng mobilisasyong ito, sama-samang ipinapahayag ang pagtutol sa Pax Silica at ang paninindigan para sa pambansang soberanya, dekalidad at makabayang edukasyon, at mga polisiyang tunay na nagsusulong sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

JUNK PAX SILICA! REJECT THE PUPPET AND FASCIST U.S-MARCOS REGIME!





FIRST COMMITTEE GENERAL ASSEMBLYThe Committee on Student Groups (CSG) gathered last 24th of July 2026 for its First Comm...
26/07/2026

FIRST COMMITTEE GENERAL ASSEMBLY

The Committee on Student Groups (CSG) gathered last 24th of July 2026 for its First Committee General Assembly to outline committee progress and updates, present the Particular Plan of Action (PPOA) of each college and campus, and discuss various matters concerning the rights and welfare of sectoral groups within the university.

The assembly also served as a framework to align visions, measures, and priorities of the committee for student organizations and sectors all thoughout the academic term.

For an inclusive, democratic, and just representation for student sectors.


Address

Malolos

Telephone

+639971373835

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BulSU SG Committee on Student Groups - CSG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BulSU SG Committee on Student Groups - CSG:

Shortcuts

Share