One Panasahan - Ramdam and Asenso kay Kap Rino Aniag

One Panasahan - Ramdam and Asenso kay Kap Rino Aniag Itinatag ng mga nagkakaisang Panasahenyo na naniniwala sa dalisay at tapat na paglilingkod.

Ramdam ang tuloy-tuloy na Asenso!
30/10/2023

Ramdam ang tuloy-tuloy na Asenso!

Maraming maraming salamat po sa lahat ng pagmamahal, panalangin at suporta!
30/10/2023

Maraming maraming salamat po sa lahat ng pagmamahal, panalangin at suporta!

28/10/2023

Tuloy ang laban! 💛

Isang taos-pusong pasasalamat, sa mga kapanalig natin sa Malolos Ministrial Council!Isa pong karangalan na makuha ang in...
27/10/2023

Isang taos-pusong pasasalamat, sa mga kapanalig natin sa Malolos Ministrial Council!

Isa pong karangalan na makuha ang inyong suporta. Ang inyo pong tiwala ay magsisilbing inspirasyon upang kami ay patuloy na maglingkuran ng may takot sa Diyos, pagmamahal sa kapwa at pagpapahalaga sa aming baranggay at sa bansa.

Ibayong husay at pagmamalasakit po ang aming iaalay sa ating mga nasasakupan, lalung-lalo na sa mga katandaan, kabataan, mga may sakit at kapansanan, at sa lahat po nang nangangailangan.

Maraming maraming salamat po!

Maraming maraming salamat po sa suporta, mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo!Asahan po ninyo na ang inyong tiwala ay ...
26/10/2023

Maraming maraming salamat po sa suporta, mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo!

Asahan po ninyo na ang inyong tiwala ay aking gagamiting lakas upang makapagbigay pa tayo ng ibayong pagseserbisyo para sa ating mga kabaranggay.

Muli, isang taos-pusong pasasalamat!

KALUSUGAN at KALIKASAN? May plano si Kapitan Rino para d'yan!Lalong pagpapa-igting ng mga paglilingkod sa ating Barangay...
24/10/2023

KALUSUGAN at KALIKASAN? May plano si Kapitan Rino para d'yan!

Lalong pagpapa-igting ng mga paglilingkod sa ating Barangay Health Center kung saan regular na ginaganap ang mga libreng check-up sa mga buntis at nagpapasuso gayundin ang pagbabakuna sa mga sanggol at at mga may sakit kung kinakailangan.

Dagdag pa rito,makikipagtulungan po tayo upang mapaganda at maisaayos pa lalo ang ating Health Center.

TULOY parin ang pagkakaloob ng mga libreng gamot at bitamina na galing sa pamahalaang Barangay at iba pang ahensya.

IPAGPAPATULOY pa rin ang Blood Letting programs na personal na adbokasiya ni Kapitan Rino na ginagawa taon-taon. Sa kasalukuyan ay humigit 440 na bags na po ng dugo ang ating naipamahagi sa mga nangangailangan.

Ipagpapatuloy ang clean-up drives at pangangalaga sa ating kapaligiran at katubigan. Sa termino ni Kapitan Rino ay humigit 122,000+++ na sako na po ng basura ang ating nasolusyonan.

TULOY parin ang paglilinis at pagsasaayos ng ating ilog at ang ating paglilinis ng kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit kagaya ng Dengue.

MALAKAS at Tuloy-tuloy parin ang laban kontra sa mga ipinagbabawal na gamot. TULONG at SUPORTA ang ating inihain sa mga biktima nito.

Kay Kapitan Rino, pagtutuunan ng pansin ang kalusugan at kalikasan!

Sininulan sa pagsasaayos ng Barangay Multipurpose Hall, Bagong Panasahan Multipurpose Court, Dalawang Daycare Centers, a...
22/10/2023

Sininulan sa pagsasaayos ng Barangay Multipurpose Hall, Bagong Panasahan Multipurpose Court, Dalawang Daycare Centers, at marami pang iba. Ano nga ba ang bagong aabangan sa pangatlong termino ni Kapitan Rino Fernando Aniag?

Magtatayo ng Panasahan Community Center kung saan matatagpuan ang ating Day Care Center, at tanggapan ng bawat mahalagang sektor ng ating pamayanan tulad ng Senior Citizens, PWD, LGBTQA+, Solo parents, Sports and Recreation Office, Employment Assistance at iba pa.

Dahil kay Kapitan Rino, walang maiiwan! Lahat ng sektor ay mahalaga!

Ano-ano nga ba ang mga plano ni Kapitan Rino kapag sya ay pinalad na magkaroon ng Pangatlong Termino?Una sa listahan ay ...
21/10/2023

Ano-ano nga ba ang mga plano ni Kapitan Rino kapag sya ay pinalad na magkaroon ng Pangatlong Termino?

Una sa listahan ay ang EDUKASYON.

Vocational Courses, Trainings, Seminars at iba pa - Ilalapit ni Kapitan Rino yan dito mismo sa Barangay Panasahan!

Papanatilihing bukas ang akses ng mamamayan sa Edukasyon tulad ng regular conduct ng Alternative Learning System (ALS) sa second floor ng ating barangay hall at ilapit mismo ang mga ahensya tulad ng CTECO, TESDA sa ating barangay.

Ipagpatuloy ang pagtaas ng antas edukasyon sa Panasahan sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga pampubliko at pribadong paaralan.

Sa kanyang termino ay patuloy rin ang pagbaba ng bahagdan ng mga Out-of-School-Youth.

Patuloy rin ang pakikipagtulungan sa Sangguniang Kabataan sa pamamahagi ng Scholarship grants.

Pataas ng pataas rin ang percentage ng mga mag-aaral na nakakapagtapos sa ating barangay, kasama na rito ang mga gumagraduate sa Senior Highschool, Kolehiyo, at ALS.

Kay Kapitan Rino, mahalaga ang kinabukasan ng mga kabataan!

Tara! Tayo ay magbalik tanaw sa mga nakamit ng Baranggay Panasahan sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Rino Fernando Aniag....
20/10/2023

Tara! Tayo ay magbalik tanaw sa mga nakamit ng Baranggay Panasahan sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Rino Fernando Aniag.

Kay Kapitan Rino, walang pinipiling oras ang serbisyo. S'ya pa mismo ang maghahatid sa'yo!

Malaki po ang ating pasasalamat sa mga myembro ng Sangguniang Barangay ng Panasahan, sa Sangguniang Kabataan ng Panasahan sa pangunguna ni SK Chairwoman Ann Hazel Santos Estrella, sa Pamahalaang Panlunsod ng Malolos, Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Tanggapan ng Kinatawan ng Unang Distrito, iba't ibang ahensya ng gobyerno, NGO's, mga kasangguni, at mga pribadong samahan at mga tao. Lahat po ng ating nakamit ay bunga ng ating sama-samang tyaga at hangarin na mapabuti ang antas ng pamumuhay sa ating mahal na baranggay.


Marami tayong napagtagumpayan sa loob ng Dalawang Termino ni Kapitan Rino. Naging posible ito sa pagsusumikap ng mga mye...
19/10/2023

Marami tayong napagtagumpayan sa loob ng Dalawang Termino ni Kapitan Rino. Naging posible ito sa pagsusumikap ng mga myembro ng Sangguniang Barangay ng Panasahan at sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlunsod, Pamahalaang Panlalawigan, Tanggapan ng Kinatawan ng Unang Distrito, iba't ibang ahensya ng gobyerno, at mga NGO's.

Ilan rito ay ang mas pinaayos na Baranggay Multi-purpose Hall.
Kasama rin dito ang pagsasaayos ng mga daanan, eskinita at drainage systems.
Nakapagpagawa ng tatlong Half Courts sa Beauty Village, Tawiran, at Kalamansian.
Naisaayos rin ang Day Care Center sa Tawiran at nakapagpagawa ng Day Care Center sa Dama de Noche.

At sa unang pagkakataon, sa tulong ng Dela cruz Family at ni Congressman Danny Domingo ay nagkaroon tayo ng sariling Panasahan Multipurpose Covered Court.

Sa pagsubok para sa makasaysayang Pangatlong Termino, samahan nyo kami sa aming pagbabahagi sa mga plataporma at plano para sa dakilang Baranggay ng Panasahan.

Panasaheño, handa na ba kayong maramdaman ang tuloy-tuloy na pag-asenso?


Address

253 Panasahan, City Of Malolos, Bulacan PH
Malolos
3000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One Panasahan - Ramdam and Asenso kay Kap Rino Aniag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share