12/06/2024
Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas! 🎉Sa araw na ito ang SSLG ng Babatnin ang nakikiisa sa pag-gunita natin sa mahahalagang sakripisyo at kabayanihan ng ating mga bayani na nagbigay-daan sa kalayaan ng ating bayan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanilang katapangan at dedikasyon sa ating pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan. Patuloy nating itaguyod ang diwa ng pagkakaisa, pag-ibig sa bayan, at pagkakaisa sa bawat Pilipino. Ipagmalaki natin ang ating kasaysayan at kultura habang sama-sama nating binubuo ang mas maliwanag na kinabukasan. Mabuhay ang Pilipinas at ang bawat Pilipino!🇵🇭