26/07/2025
"๐ฆ๐ฎ ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐."
Hindi lahat ng lugar ay naaabot ng tulong, kayaโt kahit sa simpleng pagkaing naipamahagi namin, lubos ang pasasalamat ng mga taong matinding naapektuhan ng Bagyong Crising.
Pauna na po ang aming pasasalamat sa Sangguniang Kabataan ng San Miguel, Calumpit sa pakikiisa at pagsama sa amin sa paglibot sa mga lugar sa kanilang barangay na hindi pa nararating ng anumang tulong.
Maraming salamat din po sa lahat ng nag-donate para sa mga pagkaing naipamahagi namin. Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Maโam Angela Navarro sa pagtanggap sa amin sa kanilang tahanan upang makapagluto at makapaghanda. Salamat rin sa mga Sir na boluntaryong tumulong at sumama sa amin sa paglakad sa San Miguel, at sa mga volunteers ng Paglaumโmaraming salamat po.
โKayo pa lang ang nakarating dito para magbigay ng tulong.โ
Maikling salita, ngunit tagos sa puso at sumasalamin sa taon-taong paghihirap na nararanasan ng maraming Pilipino tuwing may sakuna. Kaya huwag ipagsawalang bahala ang mga bagay na dapat SINUSULUSYUNAN.