11/06/2026
๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐คโ๐ฉ ๐ฟ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ข๐ฅ๐ชโ๐ฉ ๐๐๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ
๐ก๐บ๐๐บ๐, ๐ช๐บ๐
๐บ๐๐บ๐บ๐, ๐บ๐ ๐ฏ๐บ๐-๐บ๐๐บ
Alam mo ba? Sa balkonahe ng Bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas habang ipinahahayag ang ating kasarinlan mula sa mahigit tatlong siglong pananakop ng Espanya. Sa bawat pagaspas at tinig ng mga Pilipino, isinilang ang pag-asa ng isang bayang handang ipaglaban ang dangal, pagkakakilanlan, at karapatan nitong mamuhay nang malaya.
Ngayong ika-128 taon ng ating Kalayaan, mahalagang alalahanin na ang kalayaan ay isang pananagutang buhay na buhay sa bawat Pilipino. Sa gitna ng kahirapan, katiwalian, kawalan ng pagkakapantay-pantay, at iba pang hamong kinahaharap ng ating bansa, nananatiling buhay ang diwa ng kalayaan, ang kakayahang magsalita para sa katotohanan, kumilos para sa kapakanan ng nakararami, at maglingkod para sa ikauunlad ng bayan.
Hindi nawalan ng bisa ang pakikipaglaban noong 1898โmas pinagtibay ito ng panahon upang matamasa natin ang kasarinlan na matagal na nating hinangad. Ang tunay na tanong ngayon ay tanong sa ating sarili kung sapat ba nating ginagamit ang ating kalayaan upang ituwid ang mali, ipagtanggol ang tama, at buuin ang Pilipinas na pinangarap ng ating mga bayani.
Ang kalayaan ang nagsilbing sandigan natin upang ipaglaban, pangalagaan, at ipamana sa susunod na henerasyon.
Hanggaโt may tinig na naririnig, hanggaโt may Pilipinong hindi natatakot manindigan sa gitna ng pang-aapi, hindi sumusuko sa harap ng pagsubok, at patuloy na ipinaglalaban ang dangal ng bayan, kailanman ay hindi mamamatay ang apoy ng kalayaang minsang isinilang sa sigaw ng nag-aalab na mga puso.
๐ฒ๐บ ๐ป๐บ๐๐บ๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐บ๐ ๐๐บ๐๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐บ๐
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฎ๐๐๐ฃ! ๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค! ๐ต๐ญ