Maloleni - Malolos for Leni and Kiko

Maloleni - Malolos for Leni and Kiko Malolenyo suuporters of former VP Atty. Leni Robredo

24/11/2025

MAYOR LENI SA RALLY

[Updated] Kinumpirma ni Mayor Leni Robredo na dadalo siya sa gagawing rally sa Naga City sa Sabado, November 29.

Paglilinaw ng alkalde, mas gusto niya umano na sa tabi-tabi lang siya makikilahok at huwag nang mangialam sa programa lalo pa't isa siyang kawani ng gobyerno.

Sabi ni Mayor Leni, gusto niya lang ipabatid na nakikilahok ang mga taga-Naga sa panawagang masugpo ang korupsyon at mapanagot ang mga may kinalaman dito. | via Arnel Eclarinal

MARAMING SALAMAT PO! πŸ’—After the devastating impact of Typhoon   and  , Angat Buhay worked closely with the Angat Bayanih...
24/11/2025

MARAMING SALAMAT PO! πŸ’—

After the devastating impact of Typhoon and , Angat Buhay worked closely with the Angat Bayanihan Volunteer Network (ABVN) to deliver immediate assistance to communities in urgent need.

With the help of our donors, partners, and volunteers, we were able to distribute 14,135 food packs, 8,447 hot meals, and 2,131 liters of water to 77 barangays and evacuation centers across 16 provinces.

This was made possible through the dedication of 883 volunteers from our 13 activated ABVN organizations.

In total, β‚±13,207,780 worth of humanitarian assistance was mobilized through the Angat Bayanihan Volunteer Network.

We extend our deepest gratitude to all our donors, partners, and volunteers who worked tirelessly to reach families affected by the typhoons. Maraming, maraming salamat po!

🌐 Support our programs: donate.angatbuhay.ph/bayanihan

19/09/2025

𝐒𝐀 π’π„π“π˜π„πŒππ‘π„ 𝟐𝟏, πŒπ€ππˆππˆππ†πˆπ‹ π“π€π˜πŽ.

Daang-milyon mula sa kaban ng bayan ang walang habas na nilustay ng mga buwaya; habang ang taumbayan na sana dito’y nakinabang, patuloy na nagdurusa. Ninakawan nila tayo hindi lamang ng pera, ninakawan din nila tayo ng pag-asa.

Nakapanlulumo. Nakakagalit. Nakakasuka.

Sa lahat ng ito, hindi sapat ang imbestigasyon lamang. Kailangang may managot, kailangan nilang magbayad.

Mga Bulakenyo, sa ika-21 ng Setyembre, araw ng Linggo, sama-sama tayong maniningil. Ipakita natin ang lakas ng nagkakaisang mamamayan ng Bulacan laban sa mga korap at magnanakaw sa pamahalaan!

Magsisimula ang ating pagkilos sa pamamagitan ng Misa ng Dalangin at Pananagutan sa Malolos Cathedral, sa ganap na ika-07:15 ng umaga. Susundan ito ng Martsa Kontra Korapsyon mula katedral patungo sa Kapitolyo ng Bulacan. Doon ay magkakaroon ng isang programa upang ipahayag ang ating galit at pagkadismaya. Magsuot tayo ng itim. Magbitbit ng placards laman ang ating mga panawagan at hinaing.

PANAGUTIN ANG MGA KURAKOT! SINGILIN ANG MGA BUWAYA SA GOBYERNO!

Simulan na natin ang laban, mga Bulakenyo!



Address

MacArthur Highway
Malolos
3000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maloleni - Malolos for Leni and Kiko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Maloleni - Malolos for Leni and Kiko:

Share