10/07/2025
MUNICIPAL MOST WANTED AT 8 PA ARESTADO!
Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Siyam (9) na katao ang naaresto sa isinagawang manhunt operations ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) noong Hulyo 9, 2025. Ayon sa report ni PLTCOL VIRGILIO D RAMIREZ, Acting Chief of Police of Bocaue MPS ay naaresto si alyas Gie, Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Bocaue, na naaresto sa Brgy. Sulucan, CSJDM dahil sa kasong Frustrated Homicide na may warrant na walang piyansa.
Samantala, naaresto rin ng Baliwag MPS sa pamumuno ni PLTCOL JAYSON F SAN PEDRO si alyas Mark, Additional Most Wanted Person, na nahaharap sa kasong Robbery at paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016), na may kabuuang piyansa na Php 220,000.00.
Pito (7) pang wanted sa iba’t ibang kasong kriminal ang nadakip sa magkakahiwalay na operasyon ng mga istasyon ng pulisya sa Pandi, San Miguel, Baliwag, San Rafael, San Jose Del Monte, Malolos, at Marilao.
Ang mga operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya kontra kriminalidad ng Bulacan PPO sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ANGEL L GARCILLANO, at alinsunod sa direktiba ni PBGEN PONCE ROGELIO I PEÑONES JR, Regional Director ng PRO3, upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.