30/12/2025
https://www.facebook.com/share/1HMqCTDJdX/
Mula pa noong ika-9 na siglo sa China, naka-detalye na ang buong lahi ni Domingo Lam-Co, ang great-great-grandfather ni Francisco Mercado (ama ni Jose Rizal).
Si Domingo ay anak ng mga Chinese immigrants sa Pilipinas noong 1600s. Ang kanyang mga magulang ay sina Cua Siong Co at Zun-Nio Nio. Ang linya ng kanyang lahi na mula sa amang si Cong-You Ke, na anak ni Cai-Jin Ke, na anak ni Cai King Ke, na anak ni He-Fu Ke, na anak ni Bo-Xia Ke, na anak ni Jion Zuo Ke, na anak ni Hui Ke, na anak ni Hong Ke ng Fukien, China, at nagpapatuloy pa ang iba pang mga pangalan sa kanilang linya.
Napangasawa ni Domingo Lam-Co ang Ines dela Rosa, isang Fil-Chinese. Isa sa kanilang mga anak ay si Francisco Mercado, na napangasawa si Cirilia Bernarda Vargas Monica, at sila ang mga magulang ni Juan Mercado.
Napangasawa naman ni Juan si Cirilia Alejandro, at sila ang mga magulang ni Francisco (Ricial) Mercado, na asawa ni Teodora Alonso Realonda.
Si Teodora ay anak nina Lorenzo Alberto Alonso at Brigida de Quintos, na hindi kasal. Mula kay Brigida, ang kanyang mga magulang ay sina Manuel Quintos at Regina Ursua, na parehong may lahing Spanish mestizo. Ang kanilang mga anak ay sina Eugenio Ursua at Benigna Ochua.
Dahil sa pinaghalong lahi na ito, ang lahi ni Jose Rizal at ng kanyang mga kapatid ay tinatayang:
• 40.625% Filipino
• 40.625% Chinese
• 10.9375% Spanish
• 6.25% Malaysian
• 1.5625% Japanese