04/04/2026
๐๐โ๐๐๐โ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐พ๐๐๐๐ ๐๐๐ผ๐, ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ?
Panibagong school year, panibagong simula. May mga alaala mang naiwan sa nakaraan, mas marami namang pangarap ang naghihintay sa unahan.
Hindi man naging madali ang mga nakaraang araw, may mga pagkakataong napagod, nadapa, at muntik nang sumuko, ngunit patuloy tayong bumangon at nagpatuloy sa ating paglalakbay. Bitbit natin ang bawat aral, hirap, at tagumpay na humubog sa atin upang maging mas matatag at mas handa sa mga susunod pang hamon.
Sa bawat bagong hakbang ngayong school year, may panibagong pagkakataon upang matuto, mangarap, at patunayan sa sarili natin na kaya pa nating bumawi at mas pagbutihin pa.
Sa mga mag-aaral ng Ticulon National High School, handa na ba kayong magningning ngayong school year? Ipakita natin ang ating sipag, talento, at determinasyon sa pag-abot ng ating mga pangarap.
Tandaan ninyo, ang bawat paglalakbay ay may patutunguhan. At sa bawat hakbang pasulong, mas lalapit tayo sa kinabukasang ating pinapangarap.
๐๐ข๐บ๐ข ๐ต๐ข๐ณ๐ข ๐ฏ๐ข, ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ข ๐ฌ๐ข๐บ๐ฐ? ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข, ๐ข๐ต ๐ด๐ข๐ฃ๐ข๐บ-๐ด๐ข๐ฃ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ช๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ช๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐บ๐ข๐ฉ๐ฆ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ฐ.
๐ผ๏ธ: Marginie Mejias- Board Member
โ๏ธ: Jeiana Nicole Sadon- Vice President