19/06/2026
Hindi pa rin talaga aware ang iba kung bakit hindi dapat paboran ang tulay sa Boracay.
Ulit, ang pinaka concern natin ay ang epekto sa construction sa pag gawa ng tulay โ ang epekto nito na makakasira sa naghihingalong marine system ng isla.
Ang mga mahukay na itim na buhagin galing sa ilalim sa pag tayo ng mga poste ng tulay ay pinangangambahang mapunta sa baybayin ng Boracay (kung saan ito ang isang pangunahing dahilan kaya binibisita ang Boracay).
Pinangangambahang sirain ng siltation ang marine life. Kapag umabot ito sa mga reefs at fish sanctuaries, matatabunan ang mga corals na ikakamatay nito.
Ang mga mangroves ay peligrong maistorbo.
Ang fish migration corridor ay masisira at maliligaw ang mga isda kung saan hanap-buhay ito ng mga mangingisdang Boracaynons.
Maliban pa sa mga pang kalikasan na kadahilanan, alam na nating lahat na walang pakialam si Ramon Ang dyan basta lang kumita sila. Tingnan mo kung ilang libong puno ang pinutol nya sa pagpatayo ng kanyang mga express ways sa luzon.
Hindi kagaya sa ibang mga isla na konektado ng tulay, wala silang baybayin na kagaya ng Boracay na kailangang protektahan.
Alam nyo ba na dahil sa ginawang cargo port sa Manocmanoc Beach ay forever nang nawala na ang napaka gandang sandbar doon na ang tawag ay "Recudo"?
Cargo Port palang yan. Isipin nyo kapag tulay ang tinayo kung anong kasiraan ang maidudulot.
Magkalapit lang ang location ng Manocmanoc Cargo Port sa site na pino-propose pagtayuan ng tulay.
Copied from:
Gil delos Santos
Boracaynon