06/08/2026
Kara nga agahon it Huwebes, matagumpay nating isinagawa ang Ikalawang Committee Hearing at inaprubahan para sa First Reading ang panukalang ordinansa na naglalayong palakasin at isulong ang Responsible Pet Ownership sa buong Munisipalidad ng Malay.
Ang ikalawang pagdinig na ito ay naging pagkakataon upang maisama ang lahat ng mahahalagang rekomendasyon at amendments na inilahad ng ating mga stakeholders, upang matiyak na ang ordinansa ay magiging makatarungan, praktikal, at epektibong maipapatupad.
Taos-puso man ako nagpapasalamat sa ating mga resource persons, sa mga kinatawan ng iba’t ibang barangay, at sa mga kinatawan ng pribadong sektor na aktibong dumalo at nagbahagi ng kanilang mahahalagang pananaw at rekomendasyon.
Lubos din ang aking pasasalamat sa Municipal Agriculture Office, sa pangunguna ni Sir Sadiasa, at sa kanyang kinatawan na si Doc Deyv, sa kanilang technical expertise at mahalagang kontribusyon sa paghubog ng panukalang ordinansa.
Maraming salamat din sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, Hon. Apio Casidsid at Ex-Officio Member Kap. Manie Casidsid, sa kanilang suporta at mahahalagang kontribusyon sa komite.
Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa aking very supportive na kagawad ng Barangay Manoc-Manoc, Konsehal Cruz, sa pag attend kahit di na kailangan😅. Uli yun to...😂
Maraming salamat din po, Ma’am Julia Lervic, Ma’am Rica Velasco, at ng kanilang buong team sa kanilang aktibong paggabay, technical support, at mga rekomendasyon upang mas maging epektibo at implementable ang ordinansa kapag ito ay ganap nang maisabatas.
Maraming salamat din sa ating masisipag na Sangguniang Bayan Secretariat sa kanilang walang sawang pag-alalay at pagtitiyak na maayos ang takbo ng bawat committee hearing.
Sa lahat ng mga amendment ordinances na aking napag aralan bilang SB Member, masasabi kong ito marahil ang isa sa mga pinaka-teknikal at nangangailangan ng masusing pag-aaral. Gayunpaman, sa tulong ng bawat isa, nakabuo tayo ng isang panukalang ordinansa na naniniwala akong magiging kapaki-pakinabang hindi lamang para sa Bayan ng Malay kundi maging sa iba pang mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga munisipalidad na ang pangunahing kabuhayan ay nakasalalay sa turismo.
Maraming salamat sa inyong lahat sa patuloy na suporta. Sama-sama nating isinusulong ang isang mas responsable, ligtas, at makataong komunidad para sa ating mga alagang hayop, sa ating mga residente, at sa ating mga bisita.
Service with a Heart.
Hon. Grengo T. Gelito, RN
Chairperson, Committee on Health
Sangguniang Bayan, Municipality of Malay