BalikHa

BalikHa Promoting almost forgotten once famed handicrafts in Malasiqui. Ibalik ang LIKHA ng Malasiqui.

27/04/2023

Ang Malasiqui ay kilala sa pagiging isa sa may pinakamaraming mangga sa Pilipinas, kaya’t hindi labas sa ating kaalaman bilang Malasiquenos kung ano ang Kaing o Tiklis. 🥭

Ang Kaing o Tiklis ay ginagamit upang i-angkat ang mga naaaning Mangga mula sa Malasiqui at sa mga karatig lugar. Madalas ay yari ito sa Kawayang Kiling. Sinasabing ang industriya ng kaing ay isa sa mga “Promising Development Front” ng munisipalidad ng Malasiqui.🌤

Kaya’t ganoon na lamang ang kahalagahan ng tiklis sa ating bayan. Nakatutulong ito sa agrikultura na siyang pinakaimportanteng sektor sa ating lipunan.

Si Mang Salvador ay tubo ng Barangay Barang, Malasiqui, Pangasinan. Isa siya sa mga patuloy na gumagawa ng mga yari sa kamay sa kabila ng makabagong kagamitan sa kasalukuyan.🙌

Tunghayan ang maikling panayam sa isang dalubhasa sa paggawa ng Kaing o Tiklis, na si Mang Salvador.

Ang mga naturang impormasyon ay nagmula sa:

▪️Mariano, K. et al.,(2018). TINIKAN, KAYAS, AT TÉNGLEWAN: BAMBOO KNOWLEDGE IN GAMATA, SAN CARLOS CITY, PANGASINAN. Aghamtao.(Vol 26, pp

▪️Beltran, M. (May 16, 2017).TRAVEL AND WELLNESS WITH MARIA. Retrieved from
https://www.mariaronabeltran.com/2017/05/what-to-see-things-to-do-or-where-to-go.html

▪️Malasiqui is famous for its mango fruits having one of the largest concentration of mango tree - https://malasiqui.gov.ph
Kaing spitter in pasima https://region1.dost.gov.ph/8-article1/777-dost-1-awards-bamboo-splitter-technology-to-pangasinan-kaing-makers

Background music🎵: Danum by Salidummay
▪️https://www.youtube.com/watch?v=QdpZ3a87qXE

✍Scriptwriter: Alexandria C. Infante
🗣Narration: Irysh Alexis P. Bravo
Edited By: Erika Lee T. Vejano

Ang Bilao ay ginagamit na ng mga Pilipino noong sinaunang panahon. Bago pa sakupin ng mga dayuhang Espanyol ang Pilipina...
23/04/2023

Ang Bilao ay ginagamit na ng mga Pilipino noong sinaunang panahon. Bago pa sakupin ng mga dayuhang Espanyol ang Pilipinas, nagkaroon ng matatag na pakikipagkalakan ang mga Pilipino sa mga Tsino na tumagal ng maraming siglo. 🤝

Isa sa mga produktong kinakalakal ng mga Tsino sa mga Pilipino ay ang bilao. Ang “米漏 BI-LAO ay terminong ginagamit sa lenggwaheng Hokkien na siya namang kinupkop ng Pilipinas bilang BI-LA-O.

Noon ay madalas gamitin ang bilao sa pagtatahip ng bigas, kung saan ang bilao ay nagpapadaling maihiwalay ang dumi na humalo sa bigas, kagaya ng:

🔸️Maliliit na bato
🔸️Palay
🔸️Ipa

Sa pamamagitan ng pataas-baba na galaw sa bilao ay madaling nahihiwalay ang mga ito. 🍚

Ginagamit na rin ang bilao bilang panghanda ng mga pagkain kung may okasyon, tulad ng pansit, palabok, mga kakanin, at iba pa. Makikita rin ang bilao bilang lalagyan ng mga binebentang mga prutas at gulay sa palengke.

Ang bilao ay gawa sa bamboo at ginagawa itong bamboo strips na siyang hinahabi upang makabuo ng produktong bilao.🎍

Sa kabila ng pagsakop ng mga dayuhan sa Pilipinas, ay nagawa pa ring maipasa ng mga ibang pinuno natin ang nakagawiang ito sa mga bagong henerasyon.

Sa pag-usbong ng makabagong kagamitan sa kasalukuyan, ay hindi sana natin malimutan ang mga dating nakasanayan. 📈

Kaya nandito ang BalikHa upang tulungan ka na muling maBalikan ang Likha ng ating bayan!!! 📣

💛🧡🤎



Ang paglingon sa mga sinaunang likha ng bayang pinagmulan, ay nasusuklian ng bayang puno ng kulay at kasaysayan. 🌅Mabuha...
22/04/2023

Ang paglingon sa mga sinaunang likha ng bayang pinagmulan, ay nasusuklian ng bayang puno ng kulay at kasaysayan. 🌅

Mabuhay, Malasiquinians! Kami ang mga studyante ng STEM 12 - 💎 sa UPHS - Pangasinan, at kami ay handang maipakita at maipaalala ang ilan sa mga produktong nakagawian sa bayan ng Malasiqui.

Ang bilao at tiklis ay ilan sa mga tradisyonal na produktong karaniwang yari sa kamay, na madalas ginagamit sa mga palamuti, panghain sa mga pagkain kapag handaan, lalagyan ng mga prutas, at iba pa. Ano pa ang hinihintay mo? Halina’t “Muling balikan at kilalanin ang pinagmamalaki ng bayan natin!” 💛🤎

Tunghayan ang mga naturang panayam at mga impormasyong nakalap sa mga manggagawang lokal sa bayan ng Malasiqui.

Handa ka na bang matuto at mamangha?


Address

University Of Perpetual Help System-Pangasinan, Montemayor Street, Poblacion, Malasiqui Pangasinan
Malasiqui
2421

Telephone

+9617535472

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BalikHa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BalikHa:

Share