Blue Guardian Organization

Blue Guardian Organization Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Blue Guardian Organization, Nonprofit Organization, 120 university potrero, Malabon.

26/08/2026

🚨 MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! 🚨

Ang leptospirosis ay maaaring nakamamatay at maaaring makuha sa pakikisalamuha sa maruming tubig-baha na maaaring kontaminado ng ihi ng daga.

❌ WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA.
🧤 Iwasang lumusong sa baha kung maaari.
🧼 Hugasan agad ang kamay at paa gamit ang malinis na tubig at sabon.
🏠 Panatilihing malinis ang paligid at kontrolin ang daga.
🏥 Kung ikaw ay lumusong sa baha, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP Clinic para sa tamang payo at kinakailangang prophylaxis.

⚠️ Huwag basta uminom ng doxycycline nang walang reseta o payo ng doktor.
Sa panahon ng baha, kaligtasan at kalusugan ang unahin! 💙

26/08/2026
26/08/2026

🩸 DONATE TOGETHER, SAVE TOGETHER! ❤️

Malabueños, halina’t makiisa at mag-donate ng dugo! Isang patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa at makapagligtas ng buhay. Sama-sama nating ipakita ang malasakit at bayanihan para sa ating kapwa. 🫶🩸

Kasabay ng Mass Blood Donation Drive ay ang Legal Aid Outreach, isang libreng serbisyo para sa mga nangangailangan ng gabay at tulong legal.

📅 Agosto 27, 2026 (Huwebes)
⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Ospital ng Malabon – Lobby Area

Isinasagawa ito ng Ospital ng Malabon sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines – CALMANA (IBP-CALMANA), Delicious, Valenzuela Medical Center, at Generika Drugstore.

💙 Malabueños, halina’t magbigay, magmalasakit, at maging bayani!
DONATE TOGETHER, SAVE TOGETHER! 🩸❤️

26/08/2026

♀️💙 PANTAY NA KARAPATAN, MAS MALAWAK NA PAGKAKATAON

Kapag nabibigyan ng pagkakataon ang kababaihan na matuto, maghanapbuhay, mamuno, at mamuhay nang ligtas, hindi lamang sila ang umuunlad. Kasama nilang umaangat ang kanilang pamilya at komunidad.

Ngayong Women’s Equality Day, nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagsusulong ng pantay na karapatan at pagkakataon para sa bawat babae, anuman ang edad, katayuan sa buhay, o pinagmulan.

Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval, patuloy itong isinasabuhay sa pamamagitan ng mga programa ng lungsod para sa kababaihan, kabilang ang mga pagsasanay at oportunidad sa kabuhayan, serbisyong pangkalusugan, Gender and Development (GAD) programs, at mga serbisyong nagbibigay ng proteksyon at suporta sa mga babaeng nangangailangan.

Ngayong araw, patuloy nating kilalanin ang kakayahan at ambag ng kababaihan at suportahan ang isang Malabon kung saan may boses, respeto, proteksyon, at pantay na pagkakataon ang bawat isa. 🩵

26/08/2026

Address

120 University Potrero
Malabon
1475

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Blue Guardian Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share