06/08/2026
Isang mainit at taos-pusong pagbati sa BATCH SELECTION!
Sa ating patuloy na paglalakbay bilang magkakapatid sa Batch Selection, nawa'y manatili ang pagkakaisa, pagtutulungan, at higit sa lahat ang paggalang at respeto sa isa't isa. Ang tunay na lakas ng kapatiran ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga kasapi, kundi sa kalidad ng samahan, disiplina, at malasakit na ipinapakita ng bawat isa.
Kaya't lagi natin pairalin ang saludo at respeto sa lahat, anuman ang katungkulan, edad, o tagal sa samahan. Ang simpleng pagbibigay-galang ay sumasalamin sa ating magandang asal at sa mga pagpapahalagang ating pinanghahawakan bilang mga Triskelion.
Nawa'y maging inspirasyon tayo sa isa't isa upang patuloy na maging mabuting halimbawa sa ating komunidad. Patuloy nating pangalagaan ang ating samahan sa pamamagitan ng pagkakaisa, katapatan, at pagrespeto sa bawat kapatid.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at dedikasyon. Hangad namin ang higit pang tagumpay at matatag na samahan para sa Batch Selection.