MMTF Malabon Chapter

MMTF Malabon Chapter Isang samahan na ang hangad ay magserbisyo at mapa-unlad ang kanilang sarili na walang hinihinging kapalit para sa Lungsod ng Malabon.

📢 OPLAN BULABOG | July 16, 2026Sa patuloy na pamumuno ni President Jho Ali Mariano, matagumpay na naisagawa ng MMTFII MM...
18/07/2026

📢 OPLAN BULABOG | July 16, 2026

Sa patuloy na pamumuno ni President Jho Ali Mariano, matagumpay na naisagawa ng MMTFII MMTF Malabon Chapter - MCAMP ang isinagawang Oplan Bulabog bilang bahagi ng adhikain ng organisasyon na mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa ating komunidad.

Pinangunahan ng mga aktibong miyembro na sina Sir Jayson Daolat Nosyaj Taload , Jerome Salarzon, at Andyvil Deguzman Recto ang pag-iikot, pagroronda, at paggalugad sa Barangay ng Flores at Dampalit, Malabon City, katuwang ang mga kapulisan at barangay tanod na naka-duty.

Lubos ang aming pasasalamat sa PNP Malabon CPS SCAS Hulong Duhat Substation sa pangunguna ni Hepe Antalan, gayundin sa lahat ng mga pulis at tanod na naging bahagi ng matagumpay na operasyon.

Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad.

ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI! ✨🎓‎Ipinagmamalaki ng MMTFII Malabon Chapter ang tagumpay ng aming Secretary Ashley Nicole Mon...
23/06/2026

ISANG TAOS-PUSONG PAGBATI! ✨🎓

‎Ipinagmamalaki ng MMTFII Malabon Chapter ang tagumpay ng aming Secretary Ashley Nicole Monis isa sa mga aktibong kabataang lider ng organisasyon sa Brgy. Dampalit at kasalukuyang Secretary ng MMTFII Malabon Chapter.
‎
‎Sa gitna ng kanyang mga tungkulin bilang kabataang lider at aktibong lingkod ng komunidad, matagumpay niyang natapos ang kursong Bachelor of Secondary Education Major in English at pinarangalan bilang Cum Laude.
‎
‎Ang kanyang tagumpay ay patunay na ang sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbubunga ng tagumpay. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataan na patuloy na mangarap, magsikap, at maglingkod sa komunidad.
‎
‎Buong puso kaming bumabati at lubos na ipinagmamalaki ka ng iyong MMTFII Family!
‎
‎Muli, pagbati at mabuhay ka, Ashley Nicole B. Monis! 🎉🎓

👨‍👧‍👦 HAPPY FATHER'S DAY! 💙Ngayong Father's Day, taos-puso naming binabati ang lahat ng ama at mga tumatayong haligi ng ...
20/06/2026

👨‍👧‍👦 HAPPY FATHER'S DAY! 💙

Ngayong Father's Day, taos-puso naming binabati ang lahat ng ama at mga tumatayong haligi ng tahanan. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, gabay, at pagsusumikap para sa inyong pamilya.

Kayo ang inspirasyon at lakas ng bawat tahanan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay.

Isang espesyal na pagbati rin sa mga ama at haligi ng tahanan na kabilang sa ating samahan sa MMTFII at MCAMP Salamat sa inyong patuloy na paglilingkod, pamumuno, at pagiging huwaran hindi lamang sa inyong mga pamilya kundi maging sa ating komunidad.

Mula sa buong MMTFII, isang mapagpalang Father's Day sa inyong lahat! đź’™




Happy Birthday, BOD Sir Jerome Salarzon 🎉 Thank you for your leadership and support. Wishing you more blessings, good he...
20/06/2026

Happy Birthday, BOD Sir Jerome Salarzon 🎉 Thank you for your leadership and support. Wishing you more blessings, good health, and success in the years ahead.

BALIK ESKWELA – YEAR 2 ✨📚Ngayong araw, matagumpay na naipamahagi ng MMTFII Malabon Chapter at One Kabataan ang libreng s...
15/06/2026

BALIK ESKWELA – YEAR 2 ✨📚

Ngayong araw, matagumpay na naipamahagi ng MMTFII Malabon Chapter at One Kabataan ang libreng school supplies sa 100 piling Junior High School students ng Dampalit Integrated School.

Patunay ito ng aming patuloy na adhikain na makatulong sa edukasyon ng kabataan at mabigyan sila ng dagdag na inspirasyon sa kanilang pag-aaral. Ngayong taon ay ipinagpapatuloy namin ang programang ito sa ikalawang pagkakataon, matapos din naming magsagawa ng parehong proyekto noong nakaraang taon.

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Ma'am Heddy Portuguese, butihing Principal ng Dampalit Integrated School, sa mainit na pagtanggap at suporta sa programang ito. Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga SSG Officers, kay Ma'am Shara Lyn, at Ma'am Rona para sa kanilang pakikipag-ugnayan at tulong sa maayos na pagsasakatuparan ng gawaing ito.

Mula rin sa aming mga katuwang sa One Kabataan sa pangunguna ni SK Andrei Ramos, maraming salamat sa inyong pakikiisa at suporta para sa kapakanan ng kabataan.

At higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa bawat miyembro ng MMTFII Malabon Chapter Force Multipliers sa pangunaha ni Pres Jho Ali Mariano na naglaan ng oras, pagod, at dedikasyon upang maging matagumpay ang programang ito.

Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon at magbigay pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating kabataan.






128 Taon ng Kalayaan 🇵🇭Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pili...
12/06/2026

128 Taon ng Kalayaan 🇵🇭

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas—isang paalala ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng ating mga bayani.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang na ito, ang MMTF Malabon Chapter - MCAMP ay nakiisa sa Unity Walk na pinangunahan ng Malabon City Police, kasama sina Acting Chief of Police PCOL Mission, PNP Personnel, BJMP, Philippine Army, Force Multipliers, at iba't ibang Advocacy Support Groups.

Sa bawat hakbang ng pagkakaisa, pinagtitibay natin ang ating iisang layunin—ang magsilbi sa komunidad, itaguyod ang kapayapaan, at mahalin ang ating bayan.

Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi responsibilidad ng kasalukuyan at pag-asa ng kinabukasan.

Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭✨





MMTFII MALABON CHAPTER - MCAMPPatuloy na paglilingkod at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa isinagawang OPLAN Galugad sa ...
30/05/2026

MMTFII MALABON CHAPTER - MCAMP

Patuloy na paglilingkod at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa isinagawang OPLAN Galugad sa Brgy. Flores, Malabon.

Happy Birthday, BOD Sir Andyvil 🎉Maraming salamat sa inyong suporta, sipag, at pagiging aktibo. Nawa’y pagpalain pa kayo...
24/05/2026

Happy Birthday, BOD Sir Andyvil 🎉

Maraming salamat sa inyong suporta, sipag, at pagiging aktibo. Nawa’y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan, tagumpay, at maraming blessings. Enjoy your special day, Sir! 🥳

Address

Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MMTF Malabon Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share