22/05/2026
Magandang araw po^^ Ako po si Fr. Shin, Director ng Joseph Clinic. Nais po naming pumili ng mga bagong scholars ng Joseph Clinic.
Ang mga maaaring mag-apply ay mga batang nakatira sa “Mabolo,” “Yanga,” at “Maysilo Court” na magiging Grade 2, 4, 5, 6 ngayong darating na Hunyo.
Ang mga elementary scholars ng Joseph Clinic ay tuturuan ng English at Math nang tig-isang oras tuwing Linggo pagkatapos ng 9:00 AM Mass. Bibigyan din sila ng snacks at inumin na maaari nilang dalhin sa paaralan mula Lunes hanggang Biyernes. Bukod dito, makakatanggap din sila ng school supplies na magagamit sa loob ng isang semestre.
Ang mga high school at college scholars naman ay makakatanggap ng scholarship allowance pagkatapos ng Lingguhang Misa at English at Math classes.
Ang mga nais pong mag-apply ay maaaring pumunta sa Joseph Clinic upang magsulat ng application form hanggang June 1 (Monday).
Para po sa mga aplikante, personal kong bibisitahin ang kanilang mga tahanan at magsasagawa ng interview sa June 7 (Sunday). Pagkatapos ng interview, magdedesisyon po kami kung sino ang matatanggap bilang Joseph Clinic scholar.
Ang mga matatanggap bilang Joseph Clinic scholars ay kinakailangang dumalo kasama ang kanilang nanay o tatay sa Opening Mass sa June 14 (Sunday). Pagkatapos po ng misa ay magkakaroon ng orientation para sa mga magulang tungkol sa Joseph Clinic Scholarship Program.
Huwag pong palampasin ang magandang oportunidad na ito. Mag-apply na po kayo!^^