Reparo Extension Youth Empowerment Alliance

Reparo Extension Youth Empowerment Alliance Reparo Extension Youth Empowerment Alliance (REYEA) is the official youth organization of Reparo Extension, Brgy. Potrero, Malabon City.

We share the mission of the Potrero United Youth Organization (PUYO) for an empowered and progressive youth.

15/10/2025
[REYEA 2025 Team Building]The wait is almost over, REYEA fam!Ngayong October 19, 8 AM sa Ninoy Aquino Parks & Wildlife, ...
15/10/2025

[REYEA 2025 Team Building]

The wait is almost over, REYEA fam!

Ngayong October 19, 8 AM sa Ninoy Aquino Parks & Wildlife, sabay-sabay tayong magtatag ng samahan, tiwala, at saya sa REYEA 2025 Team Building!

This isn’t just an event. It’s a day to connect, grow, and move as one youth community.
Dahil sa REYEA, we’re not just a team. We’re a family that builds each other up!

Pero bago ang lahat, huwag kalimutang dalhin ang iyong Team Building Essentials:
- Tumbler
- Towel
- Cap o Umbrella
- Extra Shirt
- Signed Consent
- School I.D.
At siyempre, ang “ingat” ng bebe mo!

Maging handa, maging masigla, at maging bahagi ng araw na puno ng fun, teamwork, at empowerment!
Let’s prove once again that we’re truly

Magregister na dito!

https://forms.gle/aN4uopdginsQZKhLA
https://forms.gle/aN4uopdginsQZKhLA
https://forms.gle/aN4uopdginsQZKhLA

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa REYEA 2025 Team Building Project Lead, Aizel Monica Bajamonde o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️🏞️: Michael Meladona

[Makigayang Kaarawan, Zandra!]Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaawaran sa ating bagong REYEA Board Member, Aleza...
14/10/2025

[Makigayang Kaarawan, Zandra!]

Isang taos-pusong pagbati ng maligayang kaawaran sa ating bagong REYEA Board Member, Alezandra Caalam!

Ang iyong pagsisikap, dedikasyon, at paninindigan ay tunay na inspirasyon sa kabataan ng Reparo Extension.
Patuloy mo kaming samahang ibahagi ang pag-asa at pagbabago!

Nawa'y maging maligaya, masagana, at puno ng tagumpay ang bawat hakbang mo sa buhay. Salamat sa iyong serbisyo at patuloy na paglilingkod!

Mula sa inyong pamilya sa Reparo Extension Youth Empowerment Alliance!

[Fiesta Prep Survey]Sa taong ito, ang Reparo Extension Youth Empowerment Alliance (REYEA) ay humihingi ng inyong mga suh...
13/10/2025

[Fiesta Prep Survey]

Sa taong ito, ang Reparo Extension Youth Empowerment Alliance (REYEA) ay humihingi ng inyong mga suhestiyon sa mga proyekto at aktibidad na maaari nating gawin para sa pagdiriwang ng ating kapistahan sa ngalan ng Birhen ng Medalya Milagrosa. Ang inyong mga suhestiyon sa ay aming idudulog sa REPRA na syang punong komite para sa piyesta ngayong taon.

Upang mai-update natin ang mga aktibidad na nais nyong maging bahagi ng pagdiriwang, ang form na ito ay magtatanong tungkol sa ilan sa iyong mga personal na impormasyon. Gayundin, magiging mahalaga ang iyong mga sagot para sa pagpapasya ng REPRA-REYEA na syang magiging abala sa mga nakaplano nating gawain para sa mga susunod na buwan.

Makatitiyak ang lahat ng sasagot na tanging REYEA lamang ang makaka-access ng mga detalyeng aming makakalap. Ang pagsagot sa form na ito ay aabutin lamang ng lima (5) hanggang sampung (10) minuto ng iyong oras at maaaring sagutan hanggang October 25, 2025 (11:59 PM).

Maaari ring magsagot ng survey gamit ang link na ito:

https://forms.gle/cFAkJCrzsRCngLa8A
https://forms.gle/cFAkJCrzsRCngLa8A
https://forms.gle/cFAkJCrzsRCngLa8A

Kung ikaw ay may mga katanungan o paglilinaw, huwag mahihiyang mag-PM sa ating official REYEA page.

Lahat ng miyembro ng REPRA-REYEA inaanyayahang magbigay ng kanilang opinyon. Salamat!

✍️🏞️: Michael Meladona

[Buwan ng Kamalayan sa Kalusugang Pang-Kaisipan]Sa Buwan ng Kamalayan sa Kalusugang Pang-Kaisipan, inuulit namin ang pan...
13/10/2025

[Buwan ng Kamalayan sa Kalusugang Pang-Kaisipan]

Sa Buwan ng Kamalayan sa Kalusugang Pang-Kaisipan, inuulit namin ang panawagan: BASAGIN ANG STIGMA, IBAHAGI ANG SUPORTA!

Huwag mong sarilinin ang bigat na iyong dinadala. Kung ikaw ay nakararanas ng matinding kalungkutan, stress, o anumang krisis emosyonal, may handang makinig at tumulong sa iyo. Libre at kumpidensyal ang mga serbisyong ito.

24/7 National Hotlines:

NCMH Crisis Hotline (Toll-free): 1553

DOH Hopeline (Landline): (02) 8804-4673 (HOPE)

In Touch Community Services Crisis Line (Landline): (02) 8893-7603

Cellphone Numbers:

Globe/TM: 0917-899-8727 / 0966-351-4518

Smart/Sun/TNT: 0908-639-2672

Kung may agarang panganib, tumawag sa pambansang emergency number: 911.

Ingatan ang kalusagn ng isipan, gaya ng pag-iingat natin sa ating katawan.
Dito sa REYEA, may karamay ka.

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa sinumang REYEA 2025 officer o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️🏞️: Michael Meladona

[Dapat Laging  !]Hindi kailangang maghintay ng sakuna para maging handa.Ang simple paghahanda, sa loob ng bahay magsisim...
13/10/2025

[Dapat Laging !]

Hindi kailangang maghintay ng sakuna para maging handa.
Ang simple paghahanda, sa loob ng bahay magsisimula.

Ang laman ng iyong Emergency Go Bag ay mga pangunahing gamit na karaniwan nang nasa inyong tahanan tulad ng tubig, flashlight, first aid kit, damit, at mga importanteng dokumento.

Ang mahalaga ay nakaayos, madaling dalhin, at handang gamitin anumang oras.

Sa panahon ng sakuna, narito ang mga Malabon City Emergency Contact Numbers na maaari ninyong tawagan:

Malabon Emergency hotline: (02) 8281-4999
Malabon City (for typhoon / disaster relief): 8921-6009, 0942-372-9891, 0919-062-5588
BFP Malabon (fire/emergency): 0966-140-3605
National emergency hotline (all emergencies): 911

Tandaan, ang kahandaan ay hindi mahal — basta’t may disiplina at malasakit, ligtas ang pamilya.

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa sinumang REYEA 2025 officer o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️🏞️: Michael Meladona

[REYEA 2025 - Attendance Report]Muling nagtipon kahapon ang mga kabataang lider ng Reparo Extension Youth Empowerment Al...
13/10/2025

[REYEA 2025 - Attendance Report]

Muling nagtipon kahapon ang mga kabataang lider ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance (REYEA) upang magbahaginan ng mga idea, project evaluation, at planuhin ang mga susunod na hakbang tungo sa patuloy na paglago ng ating organisasyon.

Agenda:
• Kids Club Evaluation
• September Financial at Audit Reports
• Mga update sa mga kasalukuyang proyekto:
Team Building, Fun Run, at Fright Night

Nakasama natin rito ang mga bagong talaga nating REYEA officers na sina:

Eliza Bajamonde - Vice President for Internal Affairs
Kenneth Benedicto - Vice President for External Affairs
Avigail Gloria - Public Information Officer
Alezandra Caalam - Board Member

Kasama rin natin ang mga masisipag at matulunging REYEA Volunteers na sina:

Aizel Monica Bajamonde
Daniel Bercero
Jerome San Buenaventura

Ang bawat pagpupulong ay hindi lamang tungkol sa mga ulat at plano kundi patunay ng pagkakaisa, malasakit, at determinasyon ng bawat kabataang handang magsilbi sa komunidad.

Habang lumalago ang REYEA, lumalakas din ang ating paniniwala na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa kabataang may puso, layunin, at pagkakaisa.

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa sinumang REYEA 2025 officer o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️🏞️: Michael Meladona

[REYEA 2025 Official Statement - Appointment of New Officers]Bilang tugon sa pagkakaroon ng mga bakanteng posisyon sa pa...
12/10/2025

[REYEA 2025 Official Statement - Appointment of New Officers]

Bilang tugon sa pagkakaroon ng mga bakanteng posisyon sa pamunuan, ang Reparo Extension Youth Empowerment Alliance (REYEA) ay nagpapatupad ng mga bagong pagtatalaga upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga programa at proyekto ng organisasyon.
Sa bisa nito, ang mga sumusunod na opisyal ay pormal na itinalaga sa kani-kanilang bagong tungkulin:

Eliza Bajamonde – Vice President for Internal Affairs
Kenneth Benedicto – Vice President for External Affairs
Avigail Gloria – public Information Officer
Alezandra Caalam – Board Member

Si Eliza Bajamonde, na dating Public Information Officer, ay kinilala sa kanyang mahusay na pamumuno at dedikasyon sa organisasyon. Si Kenneth Benedicto naman ay muling bumalik sa kanyang dating tungkulin bilang Vice President for External Affairs, kung saan siya ay nagpakita ng kahusayan sa pakikipag-ugnayan sa mga partner at komunidad. Samantala, sina Avigail Gloria at Alezandra Caalam, na kapwa nagsimula bilang mga boluntaryo, ay ipinakita ang kasipagan at malasakit na siyang nagbigay-daan upang sila ay italaga sa kani-kanilang posisyon.

Ipinapaabot ng REYEA ang buong tiwala sa mga bagong opisyal na ito at naniniwalang kanilang mapangangalagaan at mapapalakas pa ang layunin ng organisasyon—ang mapalakas at mapagtibay ang kabataang kareyea tungo sa makabuluhang pagbabago sa komunidad.
Sama-sama tayo para sa mas matatag, nagkakaisa, at buong pwersa ng REYEA!

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa sinumang REYEA 2025 officer o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️🏞️: Michael Meladona

[REYEA Kids Club: Art Forda Earth]Kahit marami sa ating mga miyembro ang hindi nakadalo dahil sa kani-kanilang family ga...
12/10/2025

[REYEA Kids Club: Art Forda Earth]

Kahit marami sa ating mga miyembro ang hindi nakadalo dahil sa kani-kanilang family gatherings, nagpatuloy pa rin ang REYEA Kids Club nang may ngiti, sigla, at malasakit!

Natuto ang mga bata ng mga paraan kung paano magtanim at mag-alaga ng halaman kahit limitado ang espasyo. Sinimulan nila sa kanilang mga kalamansi seedlings bilang unang hakbang tungo sa pagbuo ng isang mini urban garden.

Kaunti man sila ngayon, puno naman ng inspirasyon at pangako ang kanilang mga kamay. Kasama ng pangakong aalagaan nila ang kanilang tanim, at sa susunod na session, mas marami silang babalik upang sama-samang palaguin ito.

Lubos ang pasasalamat sa mga nagbigay ng snacks para sa mga bata:
Shiella Salucan
Shanne Quilates
Marco Bravo

Salamat sa inyong kabutihan at patuloy na suporta sa ating mga proyektong pangkabataan at sa kanilang munting hardin ng pag-asa!

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa sinumang REYEA 2025 officer o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️: Michael Meladona
📸: Avy Gloria

[REYEA joins Save the Children PH and SaliwIndakan Incorporated in raising awareness on Child Rights and Child Protectio...
11/10/2025

[REYEA joins Save the Children PH and SaliwIndakan Incorporated in raising awareness on Child Rights and Child Protection (CRCP) at Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC)]

Kaninang 8:00 AM, ang Reparo Extension Youth Empowerment Alliance (REYEA) ay dumalo sa learning session na inorganisa ng Save the Children Philippines at SaliwIndakan Incorporated hinggil sa Child Rights and Child Protection (CRCP) at Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Ginanap ang programa sa Jack’s Food House, at dinaluhan din ng iba’t ibang youth organizations mula sa Lungsod ng Malabon.

Sa pamamagitan ng seminar na ito, natutunan ng ating mga kabataan ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng internet, pagpapalaganap ng awareness, at pakikialam sa laban kontra OSAEC.

Inspirado ang REYEA na ipagpatuloy ang adbokasiya para sa ligtas, mulat, at empowered na kabataan sa ating komunidad.

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa sinumang REYEA 2025 officer o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️: Michael Meladona
📸: Eliza Bajamonde, Daniel Bercero, Avigail Gloria

[Fright Night 2025 - Call for Sponsors]Darating na ang REYEA Halloween Party: Fright Night 2025!Isang gabi ng saya, kasi...
07/10/2025

[Fright Night 2025 - Call for Sponsors]

Darating na ang REYEA Halloween Party: Fright Night 2025!

Isang gabi ng saya, kasiyahan, at bonding para sa kabataan at buong komunidad ng Reparo Extension.

Upang maisakatuparan ang mas makulay at mas masayang selebrasyon, kami ay naghahanap ng mga katuwang na sponsor. Ang inyong suporta ay direktang magagamit para sa:
- Production ng event
- Treats, candies, at refreshments para sa mga bata
- Exciting prizes para sa mga games at contests

Maging bahagi ng kasiyahan at magbigay ngiti sa kabataan ngayong Halloween!

Para sa interesadong sponsors, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagpapadala ng PM sa ating opisyal na page.

Sama-sama nating gawing isang hindi malilimutang gabi ang Fright Night 2025!
✍️🏞️: Michael Meladona

[REYEA Fright Night 2025: Wag Kang Kukurap]Dahil sa gabi ng Oktubre 25, hindi lang multo ang dapat mong katakutan — kund...
07/10/2025

[REYEA Fright Night 2025: Wag Kang Kukurap]

Dahil sa gabi ng Oktubre 25, hindi lang multo ang dapat mong katakutan — kundi ang katotohanan sa paligid.

Halina’t makisigaw, makitawa, at makisaya sa REYEA Fright Night 2025, isang gabing puno ng kamulatan, kilabot, at kabataan!

Gaganapin sa Reparo Extension Basketball Court 2

Halloween Party (6–9 PM)
• Party games for kids
• Trick-or-treat
• Costume Contest — Tema: “Bayani o Buwaya”

Afterparty (9 PM–12 AM)
• Drinks available for 18+
• Good music, good company, and a night you won’t forget

⚠️ Minors are strictly prohibited from buying or drinking alcoholic beverages.

Para sa mga katanungan o iba pang detalye, makipagugnayan lamang sa REYEA 2025 President, Michael Meladona o magmensahe lamang sa ating page.

I-like at i-follow lang ang official page ng Reparo Extension Youth Empowerment Alliance para lagi kang updated sa mga kaganapan sa ating organisayon.


✍️🏞️: Michael Meladona

Address

Libis Reparo Road Extension
Malabon
1475

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Reparo Extension Youth Empowerment Alliance posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share