22/07/2024
PSHC BUNTIS CONGRESS
Ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 5.9 milyong batang wala pang 5 taong gulang sa buong mundo ang namamatay dahil sa malnutrisyon. Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ay lubos na umaayon sa WHO figure na ito, kung saan ibinunyag ng ahensya na halos isa sa tatlong batang Pilipino na may edad 0-2 ay itimnuturing bilang malnourished noong 2013.
Kaya naman nitong Huwebes ay naging bahagi ang BCYA Potrero ng PSHC Buntis Congress 1st 1000 Days ni Baby bilang bahagi ng Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Nutrition.
Nagpapasalamat po kami kay PB Sheryl Nolasco at BCPC & VAWC Folcal Persons Delia Geniblazo at Emelita Yu sa oportunidad na ito na mapakinggan ang mga isyung kinahaharap ng mga sanggol at mga bata.