15/09/2025
Isang masaya at matagumpay na Maulang Bingo Event ๐ 2/6 ang ating naisakatuparan bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na kapistahan ng ating lugar! Ang pagtitipong ito ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan at kapanabikan, kundi nagsilbing simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan ng bawat isa sa ating komunidad. Kasama ang GONA - Guava Outstanding Neighborhood Association
Lubos ang aming pasasalamat sa ating butihing Kapitana Sheryl Nolasco na patuloy na gumagabay, nagsusulong ng mga makabuluhang programa at walang sawang pagsuporta para sa barangay๐งก. Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating masisipag na Barangay Kagawad Mhel Macapagal Michael Padida na katuwang sa pagsuporta sa aming event.
Ipinapaabot din namin ang aming pasasalamat sa ating mahal na Mayor Jeannie Sandoval at Vice Mayor Edward Nolasco , kasama ang ating mga Konsehal Len Yanga, Jasper Cruz, at Nadja Vicencio sa kanilang walang sawang suporta at pagtitiwala sa mga proyektong nagdudulot ng ligaya at pagkakaisa para sa mga mamamayan. Kay Cong. Lenlen Oreta sa pag-abot ng suporta.
Hindi rin matatawaran ang malasakit at dedikasyon ng ating SK Chairman Allaiza Mar Alamo at buong SK Council Sangguniang Kabataan ng Potrero na laging kabalikat sa mga programang nakatuon para sa kabataan at sa buong barangay.
Higit sa lahat, isang malaking pasasalamat din kay Mrs. Amparo may-ari ng First Philippine Scales, Inc. at sa ating mga residente at manlalaro na buong pusong lumahok at sumuporta sa Bingo Event na ito. Ang inyong aktibong partisipasyon, saya, at sigla ang tunay na nagbigay kulay at buhay sa ating selebrasyon.
Ang tagumpay ng Bingo Event na ito ay malinaw na patunay na kapag sama-sama ang pamunuan at pamayanan, mas nagiging makabuluhan at mas masaya ang bawat kaganapan. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon para sa mas masaya at mas masiglang pagdiriwang ng ating kapistahan. โค๏ธ๐