04/08/2026
Maligayang Kaarawan, Kap Sheryl Nolasco! 🎉🎂💙🧡
Ngayon, hindi lang namin ipinagdiriwang ang inyong kaarawan. Ipinagdiriwang din namin ang inspirasyong ibinabahagi ninyo sa aming mga kabataan. Maraming salamat sa inyong bukas na puso, tapat na pamumuno, at walang sawang malasakit sa bawat taga-Potrero. Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon sa paglilingkod, ipinapakita ninyo na ang tunay na lider ay hindi lamang namumuno, kundi nakikinig, umaakay, at nagbibigay ng pag-asa sa bawat mamamayan.
Bilang kabataan, inspirasyon ka sa amin na mangarap nang mas malaki, maglingkod nang may integridad, at maging bahagi ng positibong pagbabago sa aming komunidad. Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod.
Mula sa Kabataang Malabueños, maraming salamat at maligayang kaarawan, KapS! 🧡💙
Lubos na pagbati mula sa buong Ahon Kabataan. Patuloy na aangat ang kabataan, kasama ang mga lider na tunay na nagmamalasakit.