Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT

Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT KaCHAT is a youth network advocating for SRHR organized by Likhaan and co-funded by the European Union.

Nakikiisa ang Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT  ngayong  !Patuloy ang ating pagsusulong ng access sa im...
27/09/2026

Nakikiisa ang Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT ngayong !

Patuloy ang ating pagsusulong ng access sa impormasyon at serbisyo patungkol sa s*xual at reproductive health ng kababaihan at kabataan.

Ang access na ito ay higit na nagbibigay ng suporta sa mga indibidwal upang mapalakas ang kanilang sariling pagdedesisyon para sa kanilang pangangatawan.

Maaaring bumisita sa mga Likhaan Center for Women's Health Inc. clinics kung nais mag-avail ng contraceptive services (at iba pa!). Alamin ang pinakamalapit sa iyong clinic: https://www.likhaan.org/all-clinics

May katanungan? Maaari kaming i-private message sa aming page!
——————————————-
Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!
Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits *x

[LOOK] Mga kuhang larawan mula sa isinagawang community education sa Barangay Catmon, Malabon City noong September 20, 2...
23/09/2026

[LOOK] Mga kuhang larawan mula sa isinagawang community education sa Barangay Catmon, Malabon City noong September 20, 2026 sa 30 kabataan ng nasabing barangay, kasama ang Pilapil Youth Organization.

Basahin dito: https://www.facebook.com/share/v/18mtjrF1GT/

———————————————
Photos by Mark Lexter Abin

Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits *x

22/09/2026

TINGNAN | Noong Linggo, September 20, 2026, nagsagawa ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) ng Community Education gamit ang module na Love, S*x, and Safety (LSS) sa 30 kabataan ng Barangay Catmon, Malabon City.

Pinangunahan ni Denver Abin bilang facilitator ang talakayan, katuwang si Lucky Burlaza bilang co-facilitator. Nagbigay rin ng suporta si Kurt Salvador bilang KaCHAT assist, habang si Mark Lexter Abin ang nagsilbing bahagi ng Social Communications team. Kasama rin sa session si Ciara Lacayanga mula sa Likhaan Center for Women’s Health, Inc.

Layon ng session ang magkaroon ng ligtas at bukas na espasyo sa pagkatuto nang angkop at makabuluhang impormasyon para sa kabataang 15-24 years old.

Binigyang-diin ni Denver Abin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa sariling boundaries at sa boundaries ng iba. Tinalakay rin ang kahalagahan ng pagiging responsable sa paggawa ng desisyon, pag-unawa sa consent, at pag-iwas sa mga panganib na maaaring makaapekto sa kalusugan at kapakanan ng kabataan.

Pinasinayahan naman ni Madison Uy ang condom demonstration na aktibong sinubukan ng ilang participant upang mabali ang stigma sa pag-access nito.

Katuwang ang Pilapil Youth Organization ay naging matagumpay ang session. Patuloy nilang isinusulong ang pagbibigay ng accessible at informed discussions upang mas maging handa ang kabataan Catmon sa paggawa ng ligtas at responsableng desisyon para sa kanilang sarili at sa kanilang mga relasyon.

——————————————-
Video and Caption by Mark Lexter Abin

Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits *x

TINGNAN | Naging bahagi ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) sa pagdiriwang ng fiesta ng Barangay Tugato...
05/07/2026

TINGNAN | Naging bahagi ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) sa pagdiriwang ng fiesta ng Barangay Tugatog sa pamamagitan ng pakikiisa sa Miss Gay Naal noong Hunyo 12, 2026, isang selebrasyong hindi lamang tampok ang saya at kulay ng komunidad, kundi pati na rin ang paggunita sa Pride Month at pagsusulong ng pagkakapantay-pantay.

Sa pakikipagtulungan sa Neighborhood Association of Acero Libis Inc. – Naal at Barangay Tugatog, nagsagawa ang KaCHAT ng safe s*x kit boothing upang magbahagi ng mahahalagang kaalaman at materyales patungkol sa s*xual health. Sa kabuuan, nakapagbahagi ng 100 Safe S*x Kits at 100 IEC materials para sa mga dumalo sa programa.

Sa gitna ng selebrasyon, ipinakita ng aktibidad na ang pagdiriwang ay maaari ring maging daan upang ilapit sa komunidad ang mga serbisyong pangkalusugan at mga usaping mahalaga sa kabataan, kabilang ang responsableng pakikipagtalik, ligtas na kalusugang sekswal, at pagpapahalaga sa usaping sekswal ng bawat isa.

Sa pagdiriwang ng fiesta at Pride Month, patuloy na pinagtitibay ng KaCHAT ang paninindigan nito para sa isang komunidad na may malasakit, may tamang kaalaman, at may paggalang sa karapatan at pagkakakilanlan ng bawat isa.

——————————————-

📸 Photos by Mark Lexter Abin
✍️ Caption by Mark Lexter Abin

Para sa iba pang updates at impormasyon tungkol sa ating mga programa at adbokasiya, i-follow at i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT)
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits *x

25/06/2026
[TINGNAN] Nagsagawa ng Community Kwentuhan at Community Education Session ang mga Community Health Promoters ng Lila Ton...
24/06/2026

[TINGNAN] Nagsagawa ng Community Kwentuhan at Community Education Session ang mga Community Health Promoters ng Lila Tondo kasama ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT), mga adult volunteers, at mga interns ng Likhaan sa Barangay 105, Tondo, Manila.

Sa pamamagitan ng pag-iikot sa komunidad at pakikipagkwentuhan sa mga residente, naipalaganap ang mahahalagang impormasyon tungkol sa s*xual and reproductive health and rights (SRHR), habang mas napapalapit ang mga tagapagtaguyod ng kalusugan sa komunidad.

Kasunod nito ay isinagawa ang Community Education Session na pinangunahan nina Gennica bilang main facilitator at Kath bilang co-facilitator. Katuwang din nila sa pagsasagawa ng aktibidad ang mga KaCHAT Volunteers na sina Judiel, Malik, at Kurt na tumulong sa pagpapadaloy ng mga gawain at pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Tinalakay sa sesyon ang Love, S*x, and Safety (LSS) Module, kung saan nabigyang-diin ang kahalagahan ng healthy relationships, consent, respect, boundaries, at mga paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa maagang pagbubuntis at s*xually transmitted infections (STIs).

Naging masigla ang talakayan dahil sa aktibong partisipasyon ng mga kabataan at residente na nagbahagi ng kanilang mga tanong, karanasan, at pananaw tungkol sa mga paksang tinalakay.

Patuloy na pinatutunayan ng mga gawaing tulad nito na mahalaga ang sama-samang pagkilos ng komunidad, kabataan, at mga health advocates sa pagpapalawak ng access sa tama at komprehensibong impormasyon ukol sa kalusugang sekswal at reproduktibo.

———————————————
Photos by Drew Marthine

Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

[TINGNAN] Mahigit 20 kabataan mula sa Barangay Niugan, Pilapil ang nagtipon-tipon nitong Hunyo 21 para sa isang Communit...
24/06/2026

[TINGNAN] Mahigit 20 kabataan mula sa Barangay Niugan, Pilapil ang nagtipon-tipon nitong Hunyo 21 para sa isang Community Education Session ng Love, S*x, and Safety (LSS) Module na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa s*xual and reproductive health and rights.

Pinangunahan nina Ashley, Allyssa, Jai, at James ang nasabing talakayan katuwang si Mark Calsona (Likhaan Staff) bilang suporta sa pagsasagawa ng aktibidad.

Tinalakay sa sesyon ang mga mahahalagang usapin ukol sa healthy relationships, consent, respect, boundaries, at mga paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa maagang pagbubuntis at s*xually transmitted infections (STIs).

Sa pamamagitan ng bukas na usapan at participatory activities, naging mas makabuluhan at interaktibo ang pagkatuto ng mga kabataan patungkol sa kanilang karapatan, kalusugan, at responsableng pagpapasya.

Naging matagumpay ang nasabing Community Education Session sa tulong ng mga kabataan at lider ng Pilapil na patuloy na sumusuporta sa pagpapalaganap ng komprehensibong edukasyon sa kalusugang sekswal at reproduktibo.

———————————————
by James Donato

Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | SAFE KA BA? S*X ED NA! 🗣️✨Nakiisa ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) sa seminar na pinamagat...
16/06/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | SAFE KA BA? S*X ED NA! 🗣️✨

Nakiisa ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) sa seminar na pinamagatang “Safe Ka Ba? S*x Ed Na!”, na inorganisa ng mga mag-aaral ng Bachelor of Arts in Journalism ng Polytechnic University of the Philippines – Main Campus. Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa s*xual at reproductive health, responsableng pagpapasya, at mga ligtas na gawi tungo sa mas malusog na pamayanan.

Pinangunahan ng mga resource speakers na sina John Lawrence “Lega” Legaspi, Daniella Faith Ciata, at Princess Yvonne Salamat ang talakayan tungkol sa kahalagahan ng komprehensibong s*xuality education, pagbabali sa mga maling paniniwala at impormasyon, at ang mahalagang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng mas ligtas, mas malusog, at mas inklusibong komunidad. Kasama rin sa nagbahagi si SK Chairperson Prince Angelo Devela mula sa barangay 615.

Kasama ng KaCHAT, aktibong nakilahok at nakibahagi ang Parola Peer Network - PPN sa aktibidad. Tinampok din nila ang kahalagahan ng access sa serbisyo at ang pagpapakilala sa safe s*x kits.

Binigyang-diin sa seminar na ang s*xuality education ay hindi tungkol sa kabastusan, kundi isang mahalagang kasangkapan upang makapaghatid ng age- at developmentally-appropriate, gender- at culturally-sensitive, at makabuluhang impormasyon.

Tinalakay rin ang mga usapin ukol sa reproductive tract infections, HIV at STI prevention, consent, healthy relationships, at iba pang mahahalagang paksa na may kaugnayan sa kalusugang sekswal at reproduktibo.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at pagbabahagi ng karanasan ng mga tagapagsalita, mas napalalim ang pag-unawa ng mga kalahok sa kahalagahan ng tamang impormasyon bilang sandata laban sa stigma, misinformation, at mga hindi ligtas na gawain.

——————————————
by: James Donato

Para sa iba pang updates at impormasyon tungkol sa ating mga programa at adbokasiya, i-follow at i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT)
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits *x

𝗦𝗥𝗛𝗥 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡... 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔! 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗥𝗚𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗝𝗘𝗥𝗢𝗦!🎉🪅𝙈𝙖𝙮 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙖𝙨? 𝙂𝙪𝙨𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙤? 𝙊 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙞...
12/06/2026

𝗦𝗥𝗛𝗥 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡... 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔! 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗥𝗚𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗝𝗘𝗥𝗢𝗦!🎉🪅

𝙈𝙖𝙮 𝙡𝙞𝙗𝙧𝙚𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙖𝙨? 𝙂𝙪𝙨𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙤? 𝙊 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙨𝙖𝙮𝙖?

Iniimbitahan ng Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) ang lahat ng kabataan edad 15-24 years old mula sa Barangay Tinajeros na dumalo sa gaganapin community fair na pinamagatang “𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗘𝗗: 𝗦𝗥𝗛𝗥 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻 (𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝘀𝗰𝘂𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻”.

Pangungunahan ng proyektong Community CSOs’ Action for SRHR (CCAS) ng Likhaan Center for Women's Health Inc. at European Union katuwang ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) kasama ang Malabon City Government, Malabon City Health Department - Health Promotion Unit, at Barangay Tinajeros Council.

Ang proyektong ito ay nagnanais na bumisita sa 21 Barangays sa Lungsod ng Malabon—sa mga eskenita, court, bakanteng lote, at kalsada.

Tampok dito ang iba’t ibang interactive booths na tatalakay sa usapin ng s*xual and reproductive health and rights (SRHR). Sisigurihing mag-uuwi ng kaalaman at kasiyahan.

Tunghayan ang isasagawang roll out sa Kaingin 2 Court, Barangay Tinajeros, Malabon City bukas, June 13, 2026 mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

------------------------------
Layout by John Lawrence Legaspi

Para sa iba pang updates, i-like ang ating social media platforms!
Likhaan Center for Women's Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nagtipon ang mga kabataang may edad 15–24 sa isinagawang EmpowerED SRHR Learning Caravan noong Mayo 30, 2026 s...
31/05/2026

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nagtipon ang mga kabataang may edad 15–24 sa isinagawang EmpowerED SRHR Learning Caravan noong Mayo 30, 2026 sa Gulayan St., Barangay Concepcion, Malabon City.

Pinangunahan ang aktibidad ng Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) at Likhaan Center for Women’s Health, Inc., katuwang ang Parola Peer Network (PPN) at ang City Health Department, upang palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa S*xual and Reproductive Health and Rights (SRHR).

Tampok sa programa ang iba't ibang interactive learning booths na nagbigay ng makabuluhang impormasyon tungkol sa gender, relasyon, at sekswalidad. Naging gabay sa mga talakayan ang 6G ng S*x, isang educational material mula sa Community CSOs' Action for SRHR (CCAS) Project ng Likhaan at ng European Union, na naglalayong itaguyod ang komprehensibong edukasyon at responsableng pagdedesisyon ng kabataan.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na pinalalakas ang adbokasiya para sa ligtas, inklusibo, at makabatang espasyo kung saan malayang natatalakay ang mga usapin ukol sa SRHR.

———————————————
📸 Photos by Drew Marthine
✍️ Caption by James

Para sa iba pang updates at impormasyon tungkol sa ating mga programa at adbokasiya, i-follow at i-like ang ating social media platforms!

Likhaan Center for Women’s Health, Inc.
Facebook: https://www.facebook.com/likhaanph
Instagram: https://www.instagram.com/likhaanph_
Website: https://www.likhaan.org/

Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT)
Facebook: https://www.facebook.com/kachat.likhaan
Instagram: https://www.instagram.com/its_kachat
TikTok: https://www.tiktok.com/

*xKits *x

Address

Malabon Doctor's Bldg, 105 P. Aquino Avenue, Metro Manila
Malabon
1472

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kabataan Community Health Advocacy Team - Ka-CHAT:

Shortcuts

Share