28/03/2026
Nakikiisa po ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagdiriwang ng Earth Hour bilang simbolo ng ating sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.
Sa simpleng pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras mamayang 8:30pm-9:30pm, ipinapakita natin na ang maliliit na hakbang ay may malaking ambag sa pagprotekta ng ating planeta para sa susunod na henerasyon.
Inaanyayahan ko ang bawat MalabueΓ±o na patuloy na makiisa at maging bahagi ng pagbabago. Sama-sama nating pangalagaan ang ating mundo.