08/11/2025
⚠️ Paalala sa Ligtas na Paghandaan ng Bagyo ⚠️
Magandang araw po sa lahat! Para sa kaligtasan ng inyong pamilya at sarili, sundin ang mga hakbang na ito:
1️⃣ Lumikas sa mas ligtas na lugar. 🏠
2️⃣ Panatilihin ang tamang distansya mula sa mga puno at iba pang matataas na istruktura na maaaring bumagsak sa malakas na hangin. 🌳🏢
3️⃣ Iwas sa lugar na madaling bahain at siguraduhing hindi malapit sa ilog o mababang lugar. 🌊
4️⃣ Maghanda ng sapat na tubig, pagkain, first aid kit, at mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate, IDs, insurance, at iba pa. 💧🍲🩹📄
5️⃣ I-charge ang gadgets at powerbank at ihanda ang flashlight at baterya. 🔌📱🔦
6️⃣ Alagaan at huwag iwan ang mga alagang hayop—siguraduhing ligtas at may pagkain at inumin. 🐶🐱
7️⃣ Manatiling updated sa balita at alerto ng lokal na pamahalaan, radio, at social media. 📻📰
8️⃣ Maging handa sa emerhensiya at planuhin ang ruta ng paglikas. 🗺️
9️⃣ Magtulungan at tumulong sa kapitbahay kung kinakailangan lalo na sa matatanda at may kapansanan. 🤝
📞 Emergency Hotlines:
911 (Pambansang Emergency)
PHILVOCS: 02-8928-8845 (Bagyo & Volcanic Updates)
Local Disaster Risk Reduction & Management Office (LDRRMO)
🙏 Dasal natin ang kaligtasan ng lahat. Stay safe po! 😇
"Prayer with action is the best combination."
- Titser Joemclee Manalo