12/06/2026
UNITED YOUTH OF KARISMA, NAKIISA SA KK ASSEMBLY NG SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY PANGHULO โจ๐
Buong pusong nakiisa ang United Youth of Karisma sa isinagawang KK Assembly ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Panghulo na pinangunahan ni SK Chairman Kobeallen Ortega kasama ang mga miyembro ng SK Council.
Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng kabataan, kabilang si Aj Cheng at ang SSLG Council ng Panghulo National High School, bilang pagpapakita ng suporta at pakikiisa sa mga programang nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.
Sa pamamagitan ng KK Assembly, naipabatid sa mga kabataan ang mga kasalukuyan at nakaplanong programa, proyekto, at iba pang mahahalagang inisyatiba ng Sangguniang Kabataan para sa ating komunidad. Naging daan din ito upang mapalakas ang partisipasyon ng kabataan sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kinabukasan at sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Ang United Youth of Karisma ay patuloy na sumusuporta sa mga gawaing naglalayong hubugin ang responsableng pamumuno, aktibong pakikilahok, at pagkakaisa ng kabataan.
Sama-sama nating isulong ang isang mas progresibo, empowered, at makabuluhang kinabukasan para sa kabataang Panghulo.