Sandalan ng Kabataang Acacia

Sandalan ng Kabataang Acacia An advocate of active youth participation for the betterment of the youth in Barangay Acacia

SERVICE THROUGH VOLUNTEERISM | PROJECT BUSOG LUSOG True leadership begins with a heart that is willing to serve. The San...
06/08/2026

SERVICE THROUGH VOLUNTEERISM | PROJECT BUSOG LUSOG

True leadership begins with a heart that is willing to serve.

The SanDALAN ng Kabataan ng Acacia proudly joined as volunteers in Project Busog Lusog, extending helping hands to ensure that every beneficiary received nutritious meals with care, compassion, and dignity.

This volunteer initiative reflects the spirit of bayanihan, proving that when young people unite for a common purpose, we can make a meaningful difference in our community. Every meal served, every smile shared, and every act of kindness inspires hope and strengthens our commitment to building a healthier and more compassionate Barangay Acacia.

Maraming salamat sa lahat ng volunteers na naglaan ng kanilang oras, lakas, at puso upang maging bahagi ng proyektong ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paglilingkod para sa kapwa at patunayang ang kabataan ang tunay na katuwang sa pag-unlad ng ating komunidad.

"Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pusong handang maglingkod."




06/08/2026

Champorado gusto niyo?

Project Busog Lusog: Meryenda para sa   Ngayong hapon kasama ang mga miyembro ng Sandalan ng Kabataang Acacia ay nag-pun...
06/08/2026

Project Busog Lusog: Meryenda para sa

Ngayong hapon kasama ang mga miyembro ng Sandalan ng Kabataang Acacia ay nag-punta tayo sa Consuelo Kaliwa at Basilio Gitna para magpakain ng libreng Champorado. Tag-ulan at sakto sa panahon ang ating aktibidad. Asahan pa ninyo ang aming pag-punta sa ilang streets dito sa ating Barangay para sa libreng meryenda.

Malay mo, sa street niyo na ang susunod na punta namin ๐Ÿ˜Š

KADIWA ng Pangulo is coming to Barangay Acacia Good news, mga ka-barangay! May pagkakataon na naman tayong makabili ng a...
03/08/2026

KADIWA ng Pangulo is coming to Barangay Acacia

Good news, mga ka-barangay! May pagkakataon na naman tayong makabili ng abot-kayang bigas, sariwang gulay, at iba pang pangunahing bilihin diretso mula sa ating mga lokal na magsasaka at producers.

Sa bawat pagbili, hindi lang tayo nakakatipidโ€”nakakatulong din tayo sa ating mga magsasaka at maliliit na negosyante.

๐Ÿ“ Venue: In front of Acacia Elementary School
๐Ÿ“… Date: July 31, 2026
โฐ Time: 8:00am onwards

Huwag palampasin ang pagkakataong makabili ng de-kalidad na produkto sa mas mababang presyo.

Tara na sa KADIWA ng Pangulo! Sama-sama nating suportahan ang lokal at makatipid para sa ating pamilya.

๐ŸŽ“ Malugod na pagbati ๐ŸŽ‰Binabati ng Sandalan ng Kabataang Acacia si SK Charles F. Pantig sa kanyang matagumpay na pagtatap...
10/07/2026

๐ŸŽ“ Malugod na pagbati ๐ŸŽ‰

Binabati ng Sandalan ng Kabataang Acacia si SK Charles F. Pantig sa kanyang matagumpay na pagtatapos bilang Bachelor of Science in Hospitality Management.

Patuloy kang maging inspirasyon sa ating kabataang Acacians. Congratulations at mabuhay ka! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐ŸŽ“ Malugod na pagbati ๐ŸŽ‰Binabati ng Sandalan ng Kabataang Acacia si Joshua P. Sundiam sa kanyang matagumpay na pagtatapos ...
10/07/2026

๐ŸŽ“ Malugod na pagbati ๐ŸŽ‰

Binabati ng Sandalan ng Kabataang Acacia si Joshua P. Sundiam sa kanyang matagumpay na pagtatapos bilang Bachelor of Science in Information Technology.

Nawa'y magsilbi kang inspirasyon sa ating kabataang Acacians. Congratulations at mabuhay ka! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

07/07/2026

WALANG PASOK | Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Malabon ngayong araw, Hulyo 8, 2026, dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng Southwest Monsoon (Habagat) dulot ng Super Typhoon Bavi โ€œIndayโ€.

Dahil dito, pansamatalang ipapatupad ang Alternative Delivery Mode sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga mahahalagang impormasyon o anunsiyo ukol sa lagay ng panahon. Maging alerto anumang oras at mag-ingat para sa kaligtasan ng lahat.

04/07/2026

Ano Tara? Dito sa Kabataan Learning Center

Naghahanap ka ba ng tahimik na lugar para gumawa ng assignment, research, project, o mag-review? Tara na sa Kabataan Learning and Management Training Center!

โœ… Libreng paggamit ng study area
โœ… Libreng printing para sa mga school requirements
โœ… Maayos at komportableng lugar para sa pag-aaral at pagkatuto

Bukas ito para sa lahat ng kabataang estudyante ng Barangay Acacia na nais mag-aral at mas lalo pang paghusayin ang kanilang kaalaman.

๐Ÿ“ Kabataan Learning and Management Training Center
3rd Floor, Pamahalaang Barangay ng Acacia

Tuloy-tuloy nating suportahan ang edukasyon at sama-sama nating buuin ang mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Acacian. ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Address

Maria Clara Street , Acacia
Malabon
1474

Telephone

+639695806274

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sandalan ng Kabataang Acacia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sandalan ng Kabataang Acacia:

Shortcuts

Share