30/12/2024
TINGNAN: Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 27, s. 2024, na magbibigay ng Service Recognition Incentive (SRI) na hanggang Php20,000 para sa mga g**o at iba pang kwalipikadong kawani ng pamahalaan.
Maraming salamat kay Pangulong Marcos sa pagkilala at pagpapahalaga sa gampanin ng ating mga g**o at kawani para sa patuloy na pagpapabuti ng sektor ng edukasyon.
Gayundin ang pasasalamat natin kay Secretary Amenah F. Pangandaman at sa buong Department of Budget and Management (DBM) para sa agarang aksyon at pagkikipagtulungan sa DepEd upang maibigay sa ating mga kawani ang maagang pamaskong ito.
Basahin dito: http://www.officialgazette.gov.ph/2024/12/12/administrative-order-no-27-s-2024/