Tatak Tañong

Tatak Tañong Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tatak Tañong, Non-Governmental Organization (NGO), Malabon.

Sino nga ba ang TATAK TAÑONG?Ang TATAK TAÑONG ay binubuo ng mga LIDER-KABATAAN na nagbibigay espasyo sa bawat kabataan a...
30/07/2026

Sino nga ba ang TATAK TAÑONG?

Ang TATAK TAÑONG ay binubuo ng mga LIDER-KABATAAN na nagbibigay espasyo sa bawat kabataan ano man ang kasarian at edad sa ating komunidad. Mga LIDER-KABATAAN na gumagawa ng programa na angkop sa pangangailangan ng ating Barangay. Mga LIDER-KABATAAN na magsusulong ng aktibong pakikilahok sa mga aktibidad.

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧
Isang kabataang mulat, may malasakit, at may kakayahang gumawa ng matalinong pasya para sa sarili, sa kapwa, at sa kinabukasan ng komunidad.

𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
Ang bawat Kabataan ay bibigyan ng espasyo sa pamamagitan ng iklusibo, makatao, at sama-samang pagkilos ng walang maiiwan, lahat ay maririnig, at bawat pangarap ay bibigyang-halaga.

Halina't maging miyembro ng TATAK TAÑONG organization upang makapag bigay ng mga programa na Mula sa Kabataan, Para sa Kabataan.

Layout by: Amyline Lopez
Caption by: Mark Valle Calimlim

Plastic People: The Hidden Crisis of Microplastics🎬Isang makabuluhang seminar at film na nagmulat sa amin sa tahimik ngu...
29/07/2026

Plastic People: The Hidden Crisis of Microplastics🎬

Isang makabuluhang seminar at film na nagmulat sa amin sa tahimik ngunit seryosong banta ng microplastics sa ating kalusugan at kalikasan. Nawa’y magsilbi itong paalala na ang maliliit nating hakbang ngayon ay may malaking epekto para sa kinabukasan.

Bilang mga kabataang lider, naniniwala kaming ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa tamang kaalaman. Patuloy kaming matututo, makikilahok at magsusulong ng mga adbokasiyang makakabuti sa ating komunidad at sa susunod na henerasyon.

Mark Calimlim Valle
Nico Symon Bagtas Fernandez
Irish Mateo
Anathalia
Renz
Marl Flaviano
Amyline Lopez
Raquel Samantha Lopez



Maraming salamat sa pag-iimbita sa Tatak Tañong upang maging bahagi Basketball Championship sa ilalim ng Batang C4 Baske...
27/07/2026

Maraming salamat sa pag-iimbita sa Tatak Tañong upang maging bahagi Basketball Championship sa ilalim ng Batang C4 Basketball League.

Isang karangalan ang makiisa sa programang naglalayong mapaunlad ang talento, disiplina, at pagkakaisa ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng sports.

Patuloy nating suportahan ang lahat ng kabataan ng Tañong sa kanilang paglalakbay sa larangan ng sports, lalo na sa basketball. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang mas marami pang kabataan ang mahubog bilang responsableng mamamayan at mahusay na atleta.

Mabuhay ang Batang C4 Basketball League! 🏀💙


Sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong katuwang ang Tatak Tañong patuloy nating isinusulong ang mga p...
26/07/2026

Sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong katuwang ang Tatak Tañong patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay-suporta sa edukasyon at pagpapaunlad ng bawat Kabataang Tañong.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang munting
tulong na ito upang patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap at maging daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Mark Calimlim Valle
Anathalia
Marl Flaviano
Nico Symon Bagtas Fernandez
Raquel Samantha Lopez
Irish Mateo
Renz
Amyline Lopez

Caption by: Amyline Lopez
Photo by: Amyline Lopez


25/07/2026

Bukas na ang Balik-Eskwela School Supplies Distribution para sa unang 200 na matagumpay na nakapag register!

📅 Hulyo 26, 2026 (Linggo)
🕙 10:00 AM – 11:00 AM lamang
📍 3rd Floor, Multi-Purpose Hall, 2nd Street, Barangay Tañong, Malabon City

✅ Huwag kalimutang dalhin ang anumang proof na ikaw ay High School Student, tulad ng:
• School ID
• Certificate of Enrollment
• Registration Form
• Report Card (o anumang katibayan ng iyong pag-aaral)

📌 Paalala:
Tanging ang mga opisyal na benepisyaryo lamang ang maaaring mag-claim ng kanilang School Supply Kit. Hindi pinahihintulutan ang pagkuha ng ibang tao para sa nakatalagang benepisyaryo.

Kita-kits bukas, Kabataang Tañong! Sama-sama nating simulan ang panibagong taon ng pag-aaral na may dagdag na inspirasyon at suporta. 💜💛

𝑷𝒂𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒏𝒊𝒃𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒊 𝑺𝒓. 𝑴𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Anibersaryo ni Sr. Ma...
20/07/2026

𝑷𝒂𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒏𝒊𝒃𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒊 𝑺𝒓. 𝑴𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Anibersaryo ni Sr. Mabuti sa pamamagitan ng panalangin at pakikiisa sa mga gawain.

📍 Lokasyon: Tañong Covered Court

✝️Paglalagak ng Senyor
🗓️ Hulyo 21–24, 2026

🕯️ Vigil Night
🗓️ Hulyo 23, 2026

🙏 Alay sa Banal na Misa
🗓️ Hulyo 24, 2026
🕔 5:00 ng hapon

Sama-sama nating ipagpasalamat ang biyaya ng buhay at paglilingkod ni Sr. Mabuti. Nawa'y ang pagdiriwang na ito ay maging pagkakataon upang higit nating mapalalim ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang pamayanan.

𝐌𝐚𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐧𝐲𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧.


Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa matagumpay na SRHR sa Komyu. Maraming salamat din sa KaCHAT...
18/07/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa matagumpay na SRHR sa Komyu.

Maraming salamat din sa KaCHAT at Sangguniang Kabataan ng Tañong sa inyong naging suporta upang maisulong ang wastong kaalaman ukol sa kalusugan at responsableng relasyon ng mga kabataan.

Patuloy tayong magkaisa para sa isang ligtas at protektadong komunidad!

Mark Calimlim Valle
Duane Delos Santos
Marl Flaviano
Nico Symon Bagtas Fernandez
Raquel Samantha Lopez
Irish Mateo
Renz
Amyline Lopez

Caption by: Amyline Lopez
Photo by: Amyline Lopez






𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖: 𝐒𝐑𝐇𝐑 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐔𝐩! 💜Kasalukuyan nang nagaganap ang ating makabuluhang talakayan tungkol sa 𝗦𝗲𝘅𝘂𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝘃...
18/07/2026

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐎𝐖: 𝐒𝐑𝐇𝐑 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐔𝐩! 💜

Kasalukuyan nang nagaganap ang ating makabuluhang talakayan tungkol sa 𝗦𝗲𝘅𝘂𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 (𝗦𝗥𝗛𝗥) kasama sina 𝗡𝗶𝗰𝗼 𝗮𝘁 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠𝗲𝗻𝘇𝗶!

📍 Humabol na: SK Learning Hub, 2nd Floor, 2nd Street, Brgy. Tañong, Malabon City.

Sama-sama tayong matuto tungo sa isang empowered na komunidad. See you here!

Mark Calimlim Valle
Duane Delos Santos
Marl Flaviano
Nico Symon Bagtas Fernandez
Raquel Samantha Lopez
Renz
Irish Mateo
Amyline Lopez

Caption by: Amyline Lopez
Photo by: Amyline Lopez




13/07/2026
06/07/2026

Gusto mo ba ng relasyong tatagal, hindi lang sa "Sana All" kundi sa totoong buhay? O baka naman gusto mo lang malaman kung paano maging ligtas habang inaalagaan ang iyong puso at ang iyong kalusugan? 😉❤️

Huwag nang dumaan sa maling daan! Oras na para maging bida sa usaping pag-ibig at kalusugan! Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tañong, katuwang ang Kabataan Community Health Advocacy Team (KaCHAT) at ang Tatak Tañong, ay inihahandog ang:

✨ SRHR sa Komyu ✨
Usapang Ligtas, Relasyong Matatag, at Protektadong Bukas!

Dito, walang tabu-tabo! Pag-uusapan natin nang diretsahan pero may kasamang chika ang tungkol sa Sexual and Reproductive Health and Rights (SRHR). Alamin kung paano ba talaga ang tamang diskarte para sa safe at healthy na relasyon dahil ang tunay na Batang Tañong, wais at may alam! 🧠💪

Kailan ang grand chika session?
📅 Hulyo 18, 2026 (Sabado)
🕐 1:00 PM (Bawal ang pa-late, baka maunahan ka sa upuan!)
📍 Tañong Learning Hub

Sinu-sino ang pwedeng sumama?
Lahat ng batang Tañong na handang matuto at makinig! Yayain na si jowa, si crush, o si bestie para sabay-sabay tayong maging protektado.

Magkita-kita tayo doon! Dahil sa Tañong, ang relasyong safe, mas tumatagal! 🌈✨

Address

Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tatak Tañong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share