13/11/2025
๐๐๐๐๐๐๐ ๐.๐
Narito na muli ang ating pinakahihintay na sandali Daungan na, mga kapatid sa tanghalan!
Gaganapin ang Daungan 3.0 sa Event Center ng Fisher Mall, Malabon, sa ika-15 ng Nobyembre 2025, araw ng Sabado, sa ganap na ika-2:00 ng hapon.
Sa Daungan, magkikita-kita ang ibaโt ibang pangkat-tanghal upang magbahaginan ng dunong, ipamalas ang husay, at magkaisa sa pagpupugay sa isang masagana at masiglang taon ng sining at kultura. Na may temang
โ๐ผ๐๐๐๐: ๐ฟ๐ช๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ฉ๐ค, ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐.โ
A โ Alab
Sumasagisag sa apoy ng sining, ang nagliliyab na pagnanais na ipahayag ang pagkamalikhain at pangalagaan ang ating pamanang kultural.
Y โ Yaman
Kumakatawan sa mga pamana at kayamanan ng ating kultura, ang mga tradisyon, pagpapahalaga, at sining na minana mula sa ating mga ninuno.
K โ Kultura
Sumisimbolo sa kaluluwa ng ating pagkakakilanlan, nagbubuklod sa mga pamayanan sa pamamagitan ng sayaw, musika, biswal na sining, at mga kuwento.
O โ Obra
Ibig sabihin ay likhang-sining o obra-maestra, ang kongkretong anyo ng talento at imahinasyon na nagpapakita ng diwa ng alagad ng sining at ng kanyang komunidad.
N โ Nilad
Hango sa halamang โnilad,โ na pinagmulan ng pangalang Maynilad (Manila) sumasagisag sa pag-usbong, pinagmulan, at matibay na ugnayan sa ating mga ugat kultural.
Inaanyayahan ang lahat mga indibidwal at ibaโt ibang grupo
na makilahok, makisaya, at makidiwang sa isang taong hitik sa pagpapasigla, pagpapalaganap, at pagmamahal sa sining at kultura.
Sa Daungan, tara na!