13/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ | Posibleng Emergency Rotational Power Interruption sa Ilang Bahagi ng Malabon
Ayon sa abiso ng NGCP, nagtaas ng ๐ฅ๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง ngayong araw, Mayo 13, 2026, bunsod ng kakulangan sa power supply at reserba ng kuryente mula sa mga planta sa Luzon.
Dahil dito, posible pong makaranas ng ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ฟ๐ผ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ang ilang bahagi ng Lungsod ng Malabon simula ngayong 9:00 PM na maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras, depende sa circuit schedule ng Meralco.
Batay sa impormasyon mula sa Meralco, may mga lugar na naapektuhan na mula 6:00 PM hanggang 9:00 PM at inaasahang magpapatuloy pa ang ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ฟ๐ผ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป mula 9:00 PM hanggang 12:00 MN sa piling mga lugar.
Pinapayuhan ang publiko na:
โข Maghanda ng emergency lights o flashlight
โข Siguraduhing naka-charge ang mga mobile device
โข I-unplug ang mga appliances upang maiwasan ang pinsala kapag bumalik ang kuryente
Patuloy pong maghintay ng karagdagang abiso at updates mula sa mga kinauukulang ahensya.