Anonas Reformed Youth Association - Official ARYA

Anonas Reformed Youth Association - Official ARYA .

24/09/2026

HAPPY GRADUATION SA MGA BAGONG GRADWEYT NG PILIPINAS!

Alay namin ito sa mga kabataang hirap magsimula sa pagpasok sa mundo ng paghahanapbuhay.

Hindi lahat ng pagtatapos ay simula ng tagumpay.
Minsan, ito ang simula ng pinakamabigat na laban.

Ipinapakilala ang ๐—›๐—œ๐—š๐—› ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ!, isang makabuluhang pelikula na sumasalamin sa realidad ng kabataang Pilipino, mga pangarap, pag-asa, at ang hindi matatawarang laban para sa kinabukasan sa gitna ng sistema at hamon ng buhay.

Mula sa Saliw Films, tunghayan ang kwento ni Antonio Baracuda na ginanapan ni Edwhite PequizJr, isang huwarang estudyante na haharap sa mapait na katotohanan: sa mundong hindi laging patas, sapat ba ang sipag at talino para magtagumpay?

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa at suportahan ang likhang sining ng kabataang Potrero sa kauna-unahang Kabataang Potrero Short Film Festival.

VIEW. REACT. TAG. SHARE.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kwento ng kabataanโ€”totoo, matapang, at makabuluhan.

CONGRATULATIONS, PRESIDENT JEROME DE LEON!  FOR GRADUATING COLLEGE, BACHELOR OF SCIENCE IN CRIMINOLOGY ๐ŸŽ“Being a student ...
01/09/2026

CONGRATULATIONS, PRESIDENT JEROME DE LEON!
FOR GRADUATING COLLEGE, BACHELOR OF SCIENCE IN CRIMINOLOGY ๐ŸŽ“

Being a student is never easy, but being a student and a leader at the same time takes even greater dedication, sacrifice, and strength. Despite the challenges and responsibilities, you continued to persevere, lead, and move forward.

Your achievement is more than just a degree, it is proof that hard work, determination, and commitment can turn challenges into success.

Today, we celebrate not only the graduate you have become, but the leader who continues to inspire others. You made it, President Jerome! May this be the beginning of an even greater journey.

DAHIL ANG SINING AY PARA SA LAHAT!Sa bawat ilaw na sisindi, may kuwentong muling mabubuhay. Sa bawat telon na bubukas, m...
11/08/2026

DAHIL ANG SINING AY PARA SA LAHAT!

Sa bawat ilaw na sisindi, may kuwentong muling mabubuhay. Sa bawat telon na bubukas, may kuwentong naghihintay na masaksihan. At sa bawat upuang mapupuno, isang komunidad ang muling magsasama-sama.

At ang pinakamaganda sa lahatโ€”LIBRE ITO PARA SA LAHAT.

๐ŸŽŸ๏ธ LIBRENG TICKET
๐Ÿ“… August 12โ€“14
๐Ÿ“ Kabataan Center (sa ilalim lamang ng Potrero Covered Court)

Maaaring makakuha ng ticket sa mga nasabing araw. Makipag-ugnayan lamang sa SK Staff na naka-duty.

Huwag hayaang lumipas ang pagkakataong ito. Ito ang kuwentong dapat mapanood, maramdaman, at mabuhay sa entablado.

Ibinuhos ang lahat sa dance floor. โœจIsang malaking pagbati sa mga kahanga-hangang nagwagi sa kompetisyon sa pagsasayaw n...
07/07/2026

Ibinuhos ang lahat sa dance floor. โœจ
Isang malaking pagbati sa mga kahanga-hangang nagwagi sa kompetisyon sa pagsasayaw noong Hunyo 28 na inorganisa ng Anonas Reformed Youth Association, pinahanga ninyo kaming lahat sa inyong talento at dedikasyon!,

At sa bawat mananayaw na nagpakitang gilas at galing : maganda ang mga tropeo, ngunit ang lakas ng loob na magtanghal at ang magbahagi ng angking kakayahan at talento sa Kabila ng mga pag-subok ay siyang tunay na panalo.

DANCE COMPETITION RESULT:

CHAMPION : P-SQUAD
1ST : OBS FUEGO ETERNO
2ND: THE GR8TEST

Hindi matumbasang kasayahan ang ipinamulat ng mga sangkatauhan ng Anonas Reformed Youth Association, noong June 28, ang ...
04/07/2026

Hindi matumbasang kasayahan ang ipinamulat ng mga sangkatauhan ng Anonas Reformed Youth Association, noong June 28, ang tunay na ganda ng fiesta ay nakita sa pagkakaisa ng bawat isa. Sa bawat takbo, dulas, at pagtulong na makabangon ang kapwa, ipinakita ng ARYA kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang tunay na komunidad.

Masugatan man sa Agawan ng buko, hindi man manalo sa pag-salo ng bawat hagis ng itlog, iba man ang manalo sa paghampas ng palayok, sinisuguro na pawang kaligayahan at pagbibigay kulay lang sa kapistahan ang nais na ipamalas ng sangkatauhan.

Ang bawat tawa,pawis, at sugat ay patunay na sa kabila ng magkakaibang kwento ng buhay, pinagbubuklod tayo ng iisang pananampalataya at pagmamahal sa ating kapwa. Salamat sa bawat kabataan na nakiisa kayo ang patunay na buhay ang pag-asa at pagkakaisa sa ating henerasyon. ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

Isang hapon na puno ng hagalpakan at saya ang idinaos noong July 27 para sa ating BINGO, na pinamunuan ng Anonas Reforme...
02/07/2026

Isang hapon na puno ng hagalpakan at saya ang idinaos noong July 27 para sa ating BINGO, na pinamunuan ng Anonas Reformed Youth Association (ARYA)! ๐Ÿ’™

Taos-pusong pasasalamat din ang ipinapaabot namin kay Mayora Jeannie Sandoval at sa mga opisyales sa kanilang patuloy na paggabay at pagsuporta sa ating mga aktibidad.

Nanalo man o muntik nang mag-BINGO, ang tunay na premyo ay ang pagkakataong magkulitan, tawanan, at magsama-sama ang ating komunidad. Pagbati sa mga mapapalad nating manlalaro! ๐Ÿฅณ๐Ÿ’•

Maganda ang maging kampeon, Pero mas maganda ang may nabuong matibay na samahan.Balik tanaw sa matinding weekend ng bask...
01/07/2026

Maganda ang maging kampeon, Pero mas maganda ang may nabuong matibay na samahan.

Balik tanaw sa matinding weekend ng basketbol noong Hunyo 27-28, sa pangunguna ng Anonas Reformed Youth Association (ARYA). Maraming pawis ang pumatak, walang pagsisisi, at purong hilig sa laro ang ipinamalas.

Sa One Day League na naganap, napakaliit ng puwang para sa pagkakamali. Naranasan natin ang tamis ng panalo at ang pait ng pagkatalo. Ngunit sa huli, ang basketbol ay tila isang hamon lamang na susubukin ang bawat kakayahan at pagtibayin ang bawat samahan ng mga manlalaro.

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng koponang nakasama namin sa court. Ang asaran at kantiyawan ay naiwan sa loob ng ating mga karanasan, ang respeto ay mananatili habangbuhay, at ang sportsmanship ay talagang de-kalidad.

Nananalong may kababaang-loob, natatalong may dangal, at palaging babalik nang mas malakas.
Hanggang sa susunod na pito. Patuloy lang tayo sa pag-pasa,shoot,at dribol upang maipamalas ang Kanya-kanyang talento at angking kakayahan. ๐Ÿ€๐Ÿ†

Isang gabi na talagang hindi malilimutan! Noong Hunyo 26, 2026, sa pangunguna ng Anonas Reformed Youth Association, nagk...
30/06/2026

Isang gabi na talagang hindi malilimutan! Noong Hunyo 26, 2026, sa pangunguna ng Anonas Reformed Youth Association, nagka-kulay ang kalsada dahil sa tunog ng musika, tawanan, at naguumapaw na enerhiya.

Mula sa pagsasayaw sa ilalim ng mga ilaw hanggang sa pagbabahagi ng mga hindi malilimutang sandali kasama ang mga kaibigan at kapitbahay, ang ating STREET PARTY ay higit pa sa isang simpleng kaganapan ito ay isang pagdiriwang ng komunidad na pinag-isa ng tunay na diwa ng pagsasama-sama.

Ang ating programa ay hindi magiging ganito katagumpay kung wala ang inyong buong pusong pakikilahok at sigla.

Pahalagahan natin ang mga alaalang ating binuo at ang mga ugnayang ating pinatibay! ๐Ÿชฉโœจ

๐Ÿฉต๐Ÿงก
30/06/2026

๐Ÿฉต๐Ÿงก

๐Ÿฉต๐Ÿงก
28/06/2026

๐Ÿฉต๐Ÿงก

Address

Anonas Road Potrero Malabon
Malabon
1475

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anonas Reformed Youth Association - Official ARYA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share