Juliana Riverside IndaMaria Youth Club

Juliana Riverside IndaMaria Youth Club JRIYC

19/07/2026

PAUNAWA

PARA SA LAHAT NG TELECOMMUNICATION COMPANIES AT INTERNET SERVICE PROVIDERS

Mahigpit na ipinapaalam sa lahat ng telecommunication companies, internet service providers, contractors, subcontractors, at kanilang mga tauhan na bago magsagawa ng pagkakabit, paglalatag, paglilipat, pagkukumpuni, o pagdaragdag ng anumang kable at iba pang kaugnay na kagamitan sa mga poste at lansangan na nasasakupan ng Barangay Potrero, kinakailangang kumuha muna ng mga sumusunod:

1. Permit o pahintulot mula sa Pamahalaang Barangay ng Potrero; at
2. Certificate of No Objection mula sa City Engineering Office ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang trabaho nang walang nabanggit na mga dokumento. Ang sinumang tauhan o kumpanyang mapatutunayang nagsasagawa ng instalasyon o anumang trabaho nang walang kaukulang pahintulot ay ipatitigil kaagad ang operasyon.

Inaatasan din ang lahat ng kinauukulang kumpanya at service providers na agarang ayusin ang mga magkakabuhol, nakalaylay, at hindi maayos na kable sa mga poste, sapagkat maaaring magdulot ang mga ito ng sunog, aksidente, at panganib sa publiko.

Kinakailangan ding alisin, sa pakikipag-ugnayan at koordinasyon sa kinauukulang awtoridad at may-ari ng poste, ang lahat ng hindi na ginagamit, hindi na gumagana, o abandonadong kable.

Hinihiling naman sa lahat ng residente ng Barangay Potrero na agad na ireport sa tanggapan ng barangay ang sinumang indibidwal, tauhan, contractor, o kumpanyang nagsasagawa ng pagkakabit o paglalagay ng mga kable sa kanilang lugar nang walang kaukulang pahintulot.

Layunin ng paunawang ito na mapanatili ang kaligtasan ng publiko at kaayusan ng mga kable at poste, gayundin upang maiwasan ang anumang pinsala.

Para sa agarang aksiyon at mahigpit na pagsunod.

IPINAG-UTOS NI:

KGG. SHERYL C. NOLASCO, MPA, CLGA
Punong Barangay
Barangay Potrero, Lungsod ng Malabon

19/07/2026
04/07/2026
“Naniniwala ako na ang mga Kabataang Potrero ang may kakayahang mag-isip, dumiskarte at kumilos para sa kanilang kinabuk...
04/07/2026

“Naniniwala ako na ang mga Kabataang Potrero ang may kakayahang mag-isip, dumiskarte at kumilos para sa kanilang kinabukasan.” -Yanichi, 2026

Maraming Salamat sa pagrepresenta ng ating youth organization. Ang iyong katalinuhan, kagandahan at katapangan ang nagpapatunay na unstoppable ang Kabataang Potrero.💙

06/05/2026

Someone, somewhere, is waiting for a second chance at life. ❤️
You can be the reason they get it.

Join our In-House Blood Donation Drive this May 8, 2026 (Friday), 9AM–3PM at the Philippine Red Cross – Malabon City Chapter.

In celebration of World Red Cross and Red Crescent Day, let’s come together and give the gift of life. 🩸

✨ Your blood can save lives.

Nagpapasalamat po kami sa mga taong nagbigay mga mga tulong pinansiyal, kami po ay nakapagbigay ng 60pcs relief packs pa...
17/01/2026

Nagpapasalamat po kami sa mga taong nagbigay mga mga tulong pinansiyal, kami po ay nakapagbigay ng 60pcs relief packs para sa mga pamilyang nabiktima noong nagdaang sunog sa aming lugar. Sa sama-samang pagkilos nakatulong tayo upang makapagbigay ng agarang tulong para sakanila.✨❤️

08/01/2026

Start the New Year by saving lives! 🎉❤️

Make 2026 meaningful from the very beginning by donating blood and giving hope to those in need. One simple act can make a life changing difference.

In-House Blood Donation
📅 January 16 & 30, 2026 (Fridays)
⏰ 9:00 AM – 3:00 PM
📍 Philippine Red Cross – Malabon City Chapter
(Gov. Pascual, Potrero, Malabon City)

✨ New year. New beginnings. New chance to save lives.
Come and donate!

Address

Juliana
Malabon
1475

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Juliana Riverside IndaMaria Youth Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share