15/08/2026
Mula po sa samahan ng kabataan ni Impong Maria ang amin pong Pagbati sa inyong Ika-76 na taong Anibersayo. Aming dalangin na patuloy po kayong palakasin ng ating Diyos at ilayo sa anumang uri ng kapahamakan. Lagi po kaming naka suporta sa inyong mga adhikain.
Maligayang Ika-76 na Taong Anibersaryo, DAMAS DE HONOR!
Ang Samahan ng Damas de Honor ay itinatag sa Parokya ng La Purisima Concepcion sa Malabon noong ika-15 ng Agosto, 1950, sa pagsusumikap ng magkapatid na Gng. Leonora Inco at Bb. Ilang Constantino, at sa kapahintulutan ni Obispo Bartolome S. Remigio (Obispo ng Katedral ng Malabon / Pro-Cathedral of the Immaculate Conception). Ang pagkakatatag nito ay kasabay ng Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria.
Sa loob ng 76 na taon, patuloy itong naninindigan bilang isang panrelihiyong samahan ng kababaihan ng Simbahang Sarili sa Malabon — nangunguna sa debosyon sa Mahal na Birheng Maria at tapat na katuwang sa paglago ng Simbahan at pamayanan.