Centro Ang Tabla Sa Bundok ng Sinai

Directions

Centro Ang Tabla Sa Bundok ng Sinai Patungo sa Dios, sa Karunungan at Pag-ibig. Isa para sa Lahat, Lahat para sa Isa.

Sa Kapurihan po ng Dios Ama at pagtataguyod sa Paturuan ng Simulain ng Espiritismo na ating Tanglaw at Gabay sa ating mg...
15/02/2025

Sa Kapurihan po ng Dios Ama at pagtataguyod sa Paturuan ng Simulain ng Espiritismo na ating Tanglaw at Gabay sa ating mga pakikipamuhay.Malugod po namin binabati ang lahat ng ating mga Kapatid sa DISTRICT 11 ( PANGASINAN ) bilang HOST ng Ika-120 TAONG ANIBERSARYO ng UNION ESPIRITISTA CRISTIANA DE FILIPINAS INCORPORADA at gayun din po sa Buong Pamunuan (B.O.D.). Tunay na naipamalas po ninyo ang Pag-ibig, Pagkakaisa, Pagkakawanggawa sa lahat ng mga Kapatid na nakiisa sa Ating Inang Lunduyan sa CENTRO HENERAL upang matagumpay na maipagdiwang ang pagkakatatag ng ating Kapatiran.Umasa po tayo na ang ating mga ginagawa ay batid ng Panginoon na siyang magkakaloob sa atin ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya sa ating mga kandungan.ANG PAPURI AY SA PANGINOON.
ISA PARA SA LAHAT, LAHAT PARA SA ISA.
ANG WALANG KAWANGGAWA AT PAG-IBIG AY WALANG KALIGTASAN.

VIVA U.E.C.F.I.PATUNGO SA DIOS SA KARUNUNGAN AT PAG-IBIGHappy 120th Founding Anniversary
15/02/2025

VIVA U.E.C.F.I.
PATUNGO SA DIOS SA KARUNUNGAN AT PAG-IBIG
Happy 120th Founding Anniversary

10/08/2023

Union Espiritista Cristiana de Filipinas, Incorporada (Makabatlayang Kapatirang Kristiyanong Espiritista sa Pilipinas)

Our Motto:

ONE FOR ALL, ALL FOR ONE
(ISA PARA SA LAHAT, LAHAT PARA SA ISA)

In the study of Union's Spiritism, there are dissimilarities in beliefs and practices, various level of faith and understanding and diverse spiritual gift and graces from one GOD, the SPIRIT, therefore, there should be no squabbles, no competition, no contest among each other, and no division, but work together, love each other, although there are many, but united as ONE BODY, the Body of Lord Jesus Christ, and endure for everlasting life.

NATIONAL YOUTH CAMPJuly 28 - 29, 2023Mabuhay po ang U.E.C.F.I. FEDERATION OF YOUTH SPIRITIST na siyang magpapatuloy sa p...
27/07/2023

NATIONAL YOUTH CAMP
July 28 - 29, 2023
Mabuhay po ang U.E.C.F.I. FEDERATION OF YOUTH SPIRITIST na siyang magpapatuloy sa paninindigan at pagpapalaganap ng Simulain ng Espiritismo "Patungo sa Diyos, Sa karunungan na kalakip sa tuwina ang Pag-ibig 🙏Isa para sa Lahat, Lahat para sa Isa.

23/07/2023

July 23, 2023

RAFAEL ARKANGHEL
(Talaytayan: Hermana Adelaida C. Manalili)

Ilang mahahalagang bahagi sa Abot-Sabi ng Dr. Spiritual.

Madalang kung mamahayag ang Dr. Spiritual Rafael Arkanghel sa mga malayang Session. Kung siya man ay makikipag-abot sabi sa Tipanan tiyak na may mahalagang paalala para sa Kapatiran sa Karamdaman ng laman at Kaluluwa. Sa kanyang pagbaba sa Session sa araw na ito. Tatlong bagay ang kanyang mahalagang itinagubilin

(1) SA PAGKAIN - Kung maaari bagaman kayo ay nasa modernong panahon na mas piliin ninyo ang gumawa at magluto ng inyong mga ihahain sa hapag kainan.Sa mga luto ng inyong mga ninuno kayo bumatay na hindi masyadong gumagamit na mga sangkap na nabibili sa Merkado na tunay na nakapagdaragdag ng sarap ngunit nagbibigay ng sakit sa inyong katawan laman tulad ng cancer, gayundin na nagdudulot ng karamdaman sa mahalagang mga internal organs ng inyong mga katawan.

(2) SA PAG-IISIP - ang labis na pag-iisip ay nakapag-papaigsi ng buhay sa pagiging laman. Ang mga taong palaisip ay madaling Kapitan ng karamdaman sapagkat tumutugon ito sa isipan, damdamin at kalooban kung kaya nadarama ninyo ang hindi magandang kundisyon ng inyong katawan, tulad ng mga pagkukulang sa tulog dahil sa mga bagay na iniisip. Hindi na din ninyo dapat isipin ang mga bagay na hindi para sa inyo kung hindi pagyamanin ang mga bagay na mayroon kayo. Sapagkat kung lubos ninyong pinapahalagahan ang mga bagay na mayroon kayo iyan ay mapapaunlad ninyo. Hindi sa mga materyal na bagay na wala pa sa inyo na inyong hinahangad. Makakapamuhay kayo ng simple at mapayapa kung kayo'y sumusunod sa aming mga itinatagubilin. Hindi maramot ang Panginoon sa taong tunay na gumagawa at nagtatapat. Mapapasainyo ang biyaya kung ito ay nakalaan para sa inyo.

(3) SA MALUBHANG SAKIT - Maaring ito ay sakit na pangkaluluwa sapagkat kung nasa sa inyo na ang lahat ng mga bagay ngunit palahangad pa din kayo ay hindi makabubuti. Kung kayo ay hindi nagpapatawad sa inyong mga kapwa dahil sa kataasan ay ano sa palagay ninyo? Makadarama ba kayo ng kapayapaan, hindi nga. Malubhang sakit ang naidudulot ng mga taong mapaghangad ng salapi, katanyagan, kataasan ng sarili at mga pag-iimbot sa kapwa. Mauubos ang kayamanan na mayroon ang tao kung ang karamdaman ay pang-Ispiritual na bagay, sapagkat ito ay pagkatok upang linisin ang kaluluwa na naglalagos sa inyong mga katawang laman. Kayang gamutin ng mga Banal na Espiritu ang lahat tulad ng BINHI na panlunas sa lahat ng karamdaman. kayo lamang na Mananampalataya sa Espiritu at Katotohanan ang mayroon nito. Gamitin ninyo ng buong pagtitiwala na kalakip ang taos pusong Pananalangin.

06/07/2023

Maligayang Ika-77 Taong Anibersaryo
Centro "ANG TABLA SA BUNDOK NG SINAI" na matatagpuan sa P. Camacho St. Makinabang, Baliwag, Bulacan
Itinatag noong Ika - 7 ng HULYO 1946 ni Gng. Antonina Dela Cruz at Nicasio Navarro sa ilalim ng Kapatiran ng UNION ESPIRITISTA CRISTIANA DE FILIPINAS INCORPORADA

05/07/2023

July 5, 2023 Unang Miyerkules (6:00pm)

Bahagi ng Abot Sabi ni Miguel Arkanghel

Ang mga nagpasakop at tumanggap ng Tungkulin bilang mga nanunuparan sa loob ng Lunduyan ay malaking Kapalaran para sa inyo na ako'y inyong makaulayaw. Hindi nga lahat ng Mananampalataya ay nagkaroon ng pagkakataon upang aking makadaupan sa natakdang tipan ng Pagsusulit na ito. Gayundin naman na bagaman ako ang Prinsipe ng Langit ay tutugunan ko ang inyong mga pagtawag sa aking pangalan at hindi ninyo kailangan na tawagan ako at tagurian sa pagiging Kagalang-galang sapagkat obligasyon namin bilang mga Banal na Espiritu na kayo ay aming paglingkuran bilang mga Mananampalataya na nagpasakop.
Sa Bawat pag-alis ninyo sa inyong mga tahanan ay taimtim kayong Manalangin ng Isang AMA NAMIN upang mabalutan kayo ng Subaybay ng Kabatlayaan. Sa Oras ng inyong mga kagipitan ay bigkasin ninyo ang Sa Pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo at 3 beses mariin banggitin aking Pangalan MIGUEL ARKANGHEL.
(Talaytayan: Hermano Eman Cornejo )

05/07/2023

JULY 5, 2023 UNANG MIYERKULES NG BUWAN NG HULYO. Tipan ng Pagsusulit sa Kagalang Galang na Miguel Arkanghel ng lahat ng nanunuparan na TALAYTAYAN at Guwardiyahan sa Bahay Gamutan ng Centro Ang Tabla Sa Bundok ng Sinai ORAS: 5:3O ng hapon. ATTENDANCE IS A MUST!

29/06/2023

June 29, 2023 (Araw ng Huwebes)
Mahalagang Bahagi sa Abot Sabi ng Mahal na Patnugot ng Lunduyan APOSTOL PEDRO sa kanya pong pahayag sa araw na ito ng Banal na Gawain.
TAMA AT ANGKOP NA KASUOTAN SA MGA DADALO NG BANAL NA GAWAIN
Sa panahong ito na ang technolohiya ay sumusulong buong mundo ay nakasaksi sa Bawat Isang Banal na Gawain. Igayak ninyo ang Inyong mga sarili ng maayos sa pagpunta sa Lunduyan. Isuot ang angkop na pananamit ng lahat sa mga Kababaihan at Kalalakihan. Malinis na puting kasuotan na blouse, palda o bestida para sa mga Kapatid na kababaihan at hindi madidilim na kulay na Pantalon para sa mga Kapatid na kalalakihan. Sa mga tutupad ng pagbabanghay na mga Kapatid marapat lamang na kayo'y nakasuot ng puting damit at ang babanghayin lamang sa palatindigan ay ang mga aral na ibinaba ng Bawat Kabatlayaan at iwasan ang paghahayag ng may bahagi ng salita na may damdaming tao. Maging salaminan ang inyong Paturuan ng inyong mga kapwa sa Kapaligiran.

Address

P. Camacho Street
Makinabang
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Centro Ang Tabla Sa Bundok ng Sinai posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share