21/09/2025
Mula nung unang nakatuntong ako sa Tahanan Sta. Luisa, Inc noong August 2021, bago pa lang ang Kuna Ni Shobe noon... Sinabi ko sa kanila at sa sarili ko na babalikan ko sila.
Dumaan ang ilang taon. Maraming pagsubok sa personal at pinansyal ang dinaanan ko pero hindi ako nakalimot. Nalulungkot kapag hindi nabibigyan ng pagkakataong mabisita at matulungan uli ang mga bata doon.
Ngayong Sept 20, 2025... Pinag adya na ng Mahal na Tatay Nazareno at ng Ina ng Laging Saklolo na mapuntahan ko sila uli. This time, kasama ang mga agila! Kaya walang hanggang pasasalamat sa Antipoleños United Golden Eagles Club and United Marikeños Golden Eagles Club ng The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles sa mga tulong na naihatid at naibigay sa Tahanan at syempre kay Kuna Ni Shobe.
Muli, nawa'y hindi dito nagtatapos ang ating samahan mga kuya at ate! Mabuhay ang Agilaa!
Pero bakit nga ba ang Tahanan ng Sta. Luisa uli?
BAKIT HINDI??? 🥰