Kagawad Arcel Estrella Crisolo

Kagawad Arcel Estrella Crisolo Poblacion ang panalo

Araw-araw na naglilingkod para sa kaligtasan ng ating mga kabataan - Bantay Estudyante (Gen Luna corner Don Pedro - Pagu...
27/07/2026

Araw-araw na naglilingkod para sa kaligtasan ng ating mga kabataan - Bantay Estudyante
(Gen Luna corner Don Pedro - Pagulayan)

Sa pangunguna po ng inyong lingkod, kasama ang Special Action Group ng Barangay Poblacion, at sa direktiba ni Brgy. Capt. Miko Villena, araw-araw po nating ginagawa ang programang Bantay Estudyante upang masiguro ang kaayusan at seguridad ng mga mag-aaral papasok at pauwi mula sa paaralan.

Patuloy po tayong magtulungan para sa ligtas, maayos, at mapayapang komunidad para sa ating mga kabataan.



Sa panahon ng pagsubok, mas mahalagang maramdaman ng bawat isa na hindi sila nag-iisa.Ngayong araw, nagbahagi tayo ng bi...
06/07/2026

Sa panahon ng pagsubok, mas mahalagang maramdaman ng bawat isa na hindi sila nag-iisa.

Ngayong araw, nagbahagi tayo ng biskwit, kape, at pananghalian sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng sunog sa A. Mabini Street. Bagama't simpleng tulong lamang ito, hangad nating makapagbigay ng kaunting ginhawa at pag-asa habang sila ay unti-unting bumabangon mula sa trahedya.

Patuloy po nating ipagdasal ang ating mga apektadong kabarangay at magkaisa sa pagtulong sa abot ng ating makakaya. Sa sama-samang malasakit, mas mabilis tayong makakabangon.🙏

Salamat sa grupo ng KASAMA KA sa pag alalay sa pamamahagi..


Sa likod ng bawat dekorasyon, programa, at selebrasyon ay ang taos-pusong paglilingkod para sa ating mahal na Poblacion....
01/07/2026

Sa likod ng bawat dekorasyon, programa, at selebrasyon ay ang taos-pusong paglilingkod para sa ating mahal na Poblacion.

Mula sa Fiesta Arch sa D.M. Rivera Street, pagpapaganda ng Poblacion Park, Poblacion Petstival kasama si Kag. Ada Pagulayan-Reyes, pagiging Overall In Charge ng Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion, balloon arrangement para sa Poblacion Amazing Race, hanggang sa floral arrangements ng mga carroza nina San Pedro at San Pablo para sa prusisyon ng simbahan at ng Samahang Poultry—lahat ng ito ay bunga ng pagkakaisa, pagmamahal, at dedikasyon sa ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakasama, katuwang, sumuporta, at nagbigay ng kanilang oras at talento upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang ng Kapistahan nina San Pedro, San Pablo at Virgen de la Rosa 2026.

Patuloy tayong maglilingkod, magtutulungan, at magmamalaki sa ating mayamang kultura at pananampalataya.

Maligayang Kapistahan, Poblacion!🪅



27/06/2026

What a magical and unforgettable night! From the adorable smiles, dazzling performances, and stunning costumes to the crowning of our newest little royalty, our Coronation Night was truly filled with joy, talent, and shining stars.

Maraming salamat sa lahat ng mga kandidato, proud parents, sponsors, at sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa espesyal na gabing ito. Kayo ang dahilan kung bakit naging matagumpay at makulay ang ating pagdiriwang.

Relive the wonderful moments and witness once again the journey of our Mga Munting Bituin ng Poblacion through this highlights video!

Congratulations to all our candidates—you are all winners and the true stars of our Barangay!

Mamaya na po!!👑 Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion📅 Friday, June 26, 2026🕕 6:00 PM📍 ...
26/06/2026

Mamaya na po!!

👑 Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion
📅 Friday, June 26, 2026
🕕 6:00 PM
📍 Poblacion Sports Complex

Halina't suportahan ang ating mga munting bituin habang ipinapakita nila ang kanilang galing, talino, at kumpiyansa sa iba't ibang kompetisyon at pagtatanghal.

Sino kaya ang magiging susunod na Little Mister and Miss Poblacion? Abangan at makiisa sa isang gabing puno ng saya, pangarap, at mga kumikislap na bituin ng ating barangay!





Narito na ang ating mga adorable at talented na Little Stars na magbibigay-liwanag sa entablado sa pinaka-inaabangang pa...
23/06/2026

Narito na ang ating mga adorable at talented na Little Stars na magbibigay-liwanag sa entablado sa pinaka-inaabangang pageant ng ating Barangay Fiesta!

👑 Little Mister and Miss Poblacion 2026: Mga Munting Bituin ng Poblacion
📅 Friday, June 26, 2026
🕕 6:00 PM
📍 Poblacion Sports Complex

Halina't suportahan ang ating mga munting bituin habang ipinapakita nila ang kanilang galing, talino, at kumpiyansa sa iba't ibang kompetisyon at pagtatanghal.

Sino kaya ang magiging susunod na Little Mister and Miss Poblacion? Abangan at makiisa sa isang gabing puno ng saya, pangarap, at mga kumikislap na bituin ng ating barangay!





PREPARATION for PETSTIVAL 2026
20/06/2026

PREPARATION for PETSTIVAL 2026



https://www.facebook.com/share/1b6Ku88iPd/?mibextid=wwXIfr
20/06/2026

https://www.facebook.com/share/1b6Ku88iPd/?mibextid=wwXIfr

A heartfelt thank you to our sponsors and partners for making PETSTIVAL 2026 possible! 🐾💙

Sponsors:
• Philippine Canine Club Inc.
• Pet Express
• PCBP Animal Hospital

Partners:
• Century City Mall
• Century City Estates Inc.
• Shashin Photobooth
• Cuts and Pups Mobile Pet Salon
• Belle's Party Food Cart

We appreciate your support in helping us create a fun and memorable event for our pets and pet lovers! 🐶🐱✨


Pinagtipon ang mga kandidato at kandidata kasama ang kanilang mga magulang upang talakayin ang mga alituntunin, mga gawa...
18/06/2026

Pinagtipon ang mga kandidato at kandidata kasama ang kanilang mga magulang upang talakayin ang mga alituntunin, mga gawain, at mga paghahanda para sa nalalapit na patimpalak na “Little Mr. and Ms. Poblacion 2026.” Ang pagpupulong ay pinangunahan nina Kag. Arcel Crisolo at dating Sec. Terrence Talosig, katuwang ang ating Kapitan Miko Villena at mga miyembro ng konseho. Layunin ng pagpupulong na maihanda nang mabuti ang lahat para sa darating na patimpalak at matiyak ang maayos, masaya, at makabuluhang karanasan para sa bawat kalahok. Hangad namin ang tagumpay at magandang karanasan para sa lahat. 👑✨




Address

Brgy. Poblacion
Makati
1210

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Arcel Estrella Crisolo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share