14/08/2026
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng ating mga PHINMA Heroes mula sa PHINMA-University of Pangasinan, nakapaghatid tayo ng sleeping kits at hot meals sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha dulot ng habagat sa Brgy. Malued at Brgy. Pantal, Dagupan, Pangasinan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng volunteers at barangay officials na agad tumugon upang makapagbigay ng paunang tulong sa ating mga kababayang nangangailangan.