10/09/2026
PAHAYAG NG AGOS MAKATI UKOL SA 2026 BSKE ELECTIONS π£οΈβ¨
Ang halalan ay hindi dapat ipinagkakait sa mamamayan. Sa ilalim ng Article V, Section 1 ng 1987 Constitution, kinikilala ang karapatan ng mga kwalipikadong mamamayan na bumoto. Ang pagboto ay hindi lamang isang pribilehiyo kundi isang mahalagang paraan upang makilahok ang mamamayan sa pagpili ng mga taong pagkakatiwalaan ng pamamahala.
May malinaw ng legal na mandato para sa 2026 BSKE. Sa ilalim ng Republic Act No. 12232, itinakda ang susunod na Barangay at SK Elections sa 2026 at binigyan ng apat na taong termino ang mga barangay at SK officials. Sa kasalukuyan, naghahanda na rin ang COMELEC para sa 2026 BSKE. Kung tunay nating isinusulong ang good governance, kailangang hayaang pumili ang mamamayan. Ang barangay ang pinakamalapit na antas ng pamahalaan sa ating mga komunidad. Dito direktang nararanasan ng mga mamamayan ang kalidad ng serbisyo, paggamit ng pondo, pagpapatupad ng mga programa, at pananagutan ng mga lokal na opisyal. Kung may mga pagkukulang, kapabayaan, o problema sa pamamahala, ang pinakamabisang demokratikong mekanismo ay ang pagbibigay sa mamamayan ng pagkakataong magsuri, magpasya, at pumili ng panibagong mamumuno.
Hindi namin sinasabing lahat ng kasalukuyang barangay officials ay hindi karapat-dapat. Bigyan ng pagkakataon ang bawat mamamayan na magpasya kung sino ang karapat-dapat maglingkod. Ang kapangyarihang manatili sa posisyon ay hindi dapat nakabatay lamang sa pagpapaliban ng halalan, kundi sa patuloy na tiwala ng mga taong kanilang pinaglilingkuran.
Hindi sapat na tayo ay may sinasabing kabataan ang pag-asa ng bayan. Kung nais nating baguhin ang sistema, kailangan nating magkaroon ng lakas ng loob na magsalita kapag may usaping direktang nakaaapekto sa ating karapatan at kinabukasan.
Kung gusto natin ng good governance, magsimula tayo sa pagbibigay sa mamamayan ng pagkakataong pumili.
No to BSKE 2026 Postponement!
Ituloy ang eleksyon!
AGOS Makatiβ¨Para sa Kabataan. Para sa Makati. Para sa Mabuting Pamamahala.