21/08/2026
"The Filipino is worth dying for." ๐ต๐ญ๐๏ธ
Ngayong araw, ginugunita natin ang kabayanihan at sakripisyo ni Sen. Ninoy Aquino. Ang kanyang matapang na pagtindig laban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ang naging mitsa upang magising ang isang buong bansa.
Dahil sa kanyang paninindigan, tinatamasa nating mga kabataan ngayon ang isang malayang lipunanโisang lipunang may boses, may karapatan, at may kakayahang maningil ng tapat na pamamahala.
Bilang mga kabataang lingkod-bayan, bitbit ng AKAP ang diwang ito. Hindi man natin hinihinging mag-alay ng buhay, tayo ay tinatawag na mag-alay ng ating oras, talento, at boses para sa Brgy. East Rembo. Ang paglaban sa maling sistema ay nagsisimula sa ating patuloy na pag-AKAP sa katotohanan, integridad, at serbisyo publiko.
Patuloy nating isalaysay ang Kasaysayan, ipaglaban ang Kalayaan, at pandayin ang ating Kinabukasan. Padayon, AKAPamilya! โค๏ธ๐ค