Gemma Sotto United Filipino Global

Gemma Sotto United Filipino Global Assist OFW concerns and help dessiminate the government programs

https://www.facebook.com/photo?fbid=677402814426846&set=a.456772369823226
10/07/2023

https://www.facebook.com/photo?fbid=677402814426846&set=a.456772369823226

Nananawagan si Gemma Sotto, pangulo ng United Filipino Global na isang grupo ng mga OFWs, sa gobyerno at kay Pang. B**gbong Marcos na ayusin ang mga paliparan dahil nakakaapekto ang anumang aberya sa mga byahero, lalo na sa mga OFW.

Ayon kay Sotto, itinuturing na bagong bayani ang mga OFW pero hindi madali ang kanilang sitwasyon kung ma-delay o ma-kansela ang kanilang flight dahil nakasalalay dito ang kanilang trabaho.

Nanawagan din siya sa airline companies na ayusin ang kanilang serbisyo lalo na't hindi maganda na nagiging normal na ang delay o flight cancellations, hindi lang ng mga OFW kundi pati na ng ordinaryong mamamayan. | DZRH News

DOS POR DOS:
https://fb.watch/lHhEGYglZG/

DAMDAMING OFWANG MGA FLIGHT DELAYS AT CANCELLATIONS AY NANGYAYARI SA LAHAT NG AIRLINE COMPANIES.Ito ang karanasan at pat...
09/07/2023

DAMDAMING OFW

ANG MGA FLIGHT DELAYS AT CANCELLATIONS AY NANGYAYARI SA LAHAT NG AIRLINE COMPANIES.

Ito ang karanasan at patuloy na nararanasan ng milyon-milyong mga OFWs.
Kami sa United Filipino Global ay natutuwa dahil ang usaping serbisyo ng mga airline companies ay lumutang at pinagtutuunan
na ng pansin. Ang pagsakay sa eroplano ay isang napaka-halagang bahagi ng buhay at kabuhayan ng isang OFW - domestic
at international flights man iyan.
Para sa mga nagmamahal at minamahal na mga OFWs, ang bawat pagbiyahe sakay ng eroplano ay may dalawang malakas
na damdamin lamang; KALIGAYAHAN O KALUNGKUTAN.
KALIGAYAHAN ay nag-uumapaw sa pag-biyahe palabas ng Pilipinas dahil may matatag na trabaho sa ibang bansa na
magtataguyod ng pamilyang Pilipino.
KALIGAYAHAN makauwi upang saglit na makapagbakasyon. Konting panahong makapiling ang mga mahal sa buhay, dumalo
sa mahalagang oksayon sa pamilya, makita ang mga kaibigan.
KALUNGKUTAN naman ang nadarama sa pag-uwing ang kadahilanan ay mga emergency sa pamilya, mahal sa buhay na may
sakit, problemang kailangang personal na asikasuhin, paghabol sa nagaagaw-buhay na mahal sa buhay, o para magdalamhati
sa pumanaw na kapamilya.
Ito ang tunay na damdamin ng mga OFWs. Ang bawat biyahe ay mahalaga. Ang bawat delays o cancellations ng mga flights
ay lubhang nakaka-apekto sa morale and welfare ng lahat ng OFW. Ang mga kakulangang sebisyo o assistance sa mga
pagkakataong ito ay dagdag anxiety at stress na mas lalo pang nagdidiin sa hirap ng damdaming nadadama.
Alinsunod sa adhikain ng administrasyon na mas pagandahin at patibayin ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat bayaning
OFWs, ang United Filipino Global ay ipinaaabot ang mga sumusunod na mensahe.
1. Sinusuportahan namin ang House Resolution 1105, na inihain ni Congresswoman Marissa Magsino (OFW Partylist), na
layuning masolusyunan ang nararanasan ng mga airline passengers, partikular ang mga overseas Filipino workers (OFWs), sa
masamang serbisyo ng mga airline companies. At sa anumang makakayanang kapasidad ay handang tumulong ang United
Filipino Global para sa layunin ng resolusyong ito.
2. Ipinaaabot namin ang aming apela sa mga miyembro ng House of Representatives na gawing prayoridad ang HR 1105,
agarang maasikaso ito, upang mas mapabuti ang kapakanan ng mga OFW bilang pasahero ng iba’t-ibang airline companies.
3. Uma-aapela rin kami sa Senado na magkaroon din ng katulad na aksyon para sa ikagaganda ng serbisyo ng mga airline
companies.
4. Ipinananawagan rin namin sa mahal na Pangulo, Ferdinand "B**g B**g" Marcos Jr., ang agarang pag-implementa ng
anumang proyekto, programa, at polisiya na magpapaganda ng mga imprastraktura, tulad ng mga airports, at mga operasyon
ng mga ito.
5. Nananawagan kami sa lahat ng airline companies na magbigay ng sapat na kooperasyon sa adhikaing mas pagandahin ang
serbisyo sa mga pasahero ayon sa napapanahong mga pangangailangan.
Ang United Filipino Global ay naninindigang ngayon na ang napapanahong oportunidad upang ang mga kinauukulan ay samasamang magtulungan sa mga hakbanging kailangang gawin para sa ikagaganda ng airline at aviation industry at ikabubuti ng
serbisyo nito.
Iisa ang layunin. Mas mapaganda at maayos na industriya ng aviation. Para sa ating mga bayaning OFW. Para sa mga
pangkalahatang mga pasahero. Para rin sa adhikaing pagpapalakas ng negosyo at turismo sa ating bansa.

Maraming salamat po.

GEMMA SOTTO
PANGULO
United Filipino Global (UFG)

Address

Cor Rufino, Valero
Makati

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gemma Sotto United Filipino Global posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share