05/12/2025
PTC RISE Program facilitates Youth DRR Activity with Imus City LYDO
Matagumpay na naisagawa ng PTC RISE Program team ang Youth Disaster Risk Reduction (DRR) Activity para sa mga miyembro ng Aksyon Kabataang Imuseño (AKI), katuwang ang Imus City Local Youth Development Office (LYDO) nitong nakaraang November 27, 2025 (Thursday) sa Imus City Children and Youth Center.
Pinangunahan ni Program Manager Hector Brizuela ang Youth Disaster Preparedness Lecture, kung saan tinalakay ang maaaring maging kontribusyon ng mga kabataan sa Disaster Preparedness, upang mas mapalakas pa ang kakayahang maging ligtas sa panahon ng hazards at disasters.
Sa pangunguna naman ni CORE Resilience Consultancy Inc. Training Specialists Jhun Servano at Carl Palicos, nagsagawa ng Basic First Aid Training para sa mga kalahok, kung saan natutunan nila ang mga kinakailangang skills sa paglapat ng paunang lunas na sisigurong hindi na lumalala ang injuries ng pasyente.
Pinangunahan naman ni PTC Talent Acquisition Group Lead Program Officer Josh McCarver, kasama sina Program Associate Chloe Balmaceda at Project Associate Crystal Lopez, ang RISE Master of Disaster (MOD) Board Game Session, kung saan mas natuto ang mga kabataan sa Disaster Preparedness and Response, habang naglalaro at nagkakatuwaan.
Lubos na pasasalamat sa City Government of Imus, sa pamumuno ni Mayor Alex Advincula, kasama ang Imus City LYDO sa pamumuno ni Mr. Jericho Reyes, sa kanilang imbitasyon para maisagawanang programang pangkabataan na ito.
We are one with Imus City and Imus City LYDO, in empowering youth leaders on Disaster Risk Reduction, as we move together in building resilient communities, resilient lives.