31/05/2026
Happy 3rd Anniversary, Zumba Frenz! 🎉💃
Maraming maraming salamat po sa walang sawang suporta, pagmamahal, at pagbibigay saya sa ating “Dance for a Cause.” Dahil sa inyong kabutihan at pakikiisa, napasaya natin ang mga bata ng Angelic Heart Philippines Inc. – Makati Chapter. ❤️
Lahat po ng nalikom mula sa ating Dance for a Cause ay naipagkaloob at napaghatian ng mga bata upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan at makapagbigay ng ngiti sa kanilang mga puso. Ang mga natitirang funds naman ay gagamitin para sa mga susunod pang events at proyekto para sa mga bata. ✨
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Zin, Coaches, performers, volunteers, sponsors, at sa bawat taong nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang event na ito. Hindi magiging posible ang lahat nang wala kayo. 🙏
Patuloy po sana nating gamitin ang sayaw hindi lang para sa kalusugan at kasiyahan, kundi para rin makapagbigay pag-asa at inspirasyon sa iba. 💖
Congratulations again sa 3rd Anniversary ng Zumba Frenz! More blessings, more events, and more lives to touch. 🥳🎂