TokNeneng

TokNeneng Bullying Awareness Campaign

17/11/2022

“DORA”

dora?? kadalasan na pang asar sa mga babaeng may maikling buhok at may bangs.

isa din ako sa naka ranas ng pang bubully dahil sa buhok ko na maikli na halos umabot na lamang sa ilalim ng tenga ko at may bangs pa ako non, lagi ako inaasar kung saan saang lugar mapa school man o sa street namin. May mga kaklase ako nung elementary na halos di na ako tinatawag sa pangalan ko tanging “dora” na lamang ang nag silbing pangalan ko sa kanila, kaya’t palagi akong umuuwi sa aming tahanan na laging naka simangot dahil sa pang aasar sa akin ng aking mga kamag aral, at may mga panahon din na naiisip ko na huwag na pumasok ng paaralan dahil alam ko na tutuksuhin lamang ako ng aking mga kamag aral.

Isang araw narinig ng aming g**o na tinutukso ako ng aking mga kamag aral kaya’t sinabihan niya ang mga ito at tinawag ako upang kausapin, sinabi niya sakin na huwag na lamang pansinin ang mga kamag aral ko na nang aasar at sinabi niya din sakin na bagay daw sakin ang maikling buhok at pag uwi ko sa aming bahay ay naka masayang masaya ako, hanggang sa tinanong ako ng aking ina kung bakit daw ganon ang ngiti ko hindi katulad nung mga nakaraang araw na mukhang lamya at laging naka simangot, kaya’t kinwento ko sa kanya ang nangyari sa paaralan. Kagaya din ng g**o ko ganon din ang sinabi ng mama ko. Nung araw na iyon ay napag tanto ko na hindi ko kailangan makinig o pansinin ang ibang tao na nangungutya sa aking pang labas na anyo, hangga’t may isang naniniwala at nakaka kita ng may maganda sa akin ay wala akong dapat baguhin.

Masasabi ko na bullying ang pang aasar sa kapwa gamit ang pang labas na anyo. kailangan mo lang ng isang tao na sasabihan at ipapakita sayo na walang mali sa pag katao mo.



Ikaw anong kwentong , mo??

12/11/2022

"KUROT"

Hi! Nagtataka ba kayo bakit kurot ang pamagat ng kwento na ito? Ganito yan, Elementary palang ako naranasan ko na ma-bully sa pagkakatanda ko nasa limang baitang palang ako na yon hindi ko alam bakit ginagawa nila saakin iyon lagi nila ako kinukurot sa tuwing tatabi sila saakin sa upuan o di kaya'y kapag nakikita nila ako kahit na nanahimik lang ako kaya sa tuwing gigising ako ng maaga para pumasok sa eskwelahan para na akong tinatamad dahil sa nararanasan ko sa tuwing papasok ako, pakiramdam ko wala ako kakampi noon dahil isa lamang ako transferee non hanggang sa may dalawang babae na kaklase ko na lumapit saakin at nakipag kaibigan doon para akong nabuhayan at nagkaroon ng kakampi. At ng nagkaroon ako ng kaibigan tumigil yung mga nam-bubully saakin dahil natakot sila baka isumbong sila ng mga nakilala ko dahil ako takot ako na magsumbong dahil isa lamang ako transferee na walang lakas na loob dati.

Masasabi ko na ang Bullying ay isang KUROT dahil kahit na masakit yung nararanasan mo kailangan mo maging malakas,matapang at higit sa lahat huwag kang matatakot dahil kapag natakot ka ikaw din ang magiging kawawa at mahina sa paningin ng mga nam-bubully.



Ikaw? Anong kwentong mo? Arat sa comment section pagusapan natin yan!🫶

"SWITCH"Highschool nang ako ay nagsimulang ma bully non, payat, maitim at gusgusing bata pako non. Dahil sa itsura ko no...
31/10/2022

"SWITCH"

Highschool nang ako ay nagsimulang ma bully non, payat, maitim at gusgusing bata pako non. Dahil sa itsura ko noon, ako ay madalas matukso at dahil sa mga pambubully nila, nawawalan ako ng motivation magsipag sa pag aaral. Hanggang sa dumating ang panahong naisali ako sa isang banda. Nakita ko pa ung mga kasama ko mas mmaputi pa saken mas maknis pa saken. Ako lang nag iisang mukhang shenglot non XD. Pero nung nagkaroon kame ng performance sa isang subject non, dun nila nakita ung halaga ko sa performance namen.

Maituturing ko na ang bullying sa aken, parang switch na kung saan, siniswitch off nila ang pambubully sayo pagka may kelangan. pero LAGING tatandaan!! Wag mag papa apekto sa kanila, dahil hindi sila ang makaka angat sayo kundi ang sarili mo!!




Ikaw? Anong kwentong mo? Arat sa comments! pag usapan naten yan!

24/10/2022

Ey! B-Fighters!!! Salamat po sa pag like ng page na ito😁😅 Hope you will enjoy our weekly posts in the future! But for now, Welcome sa lahat!!

Address

Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TokNeneng posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share