08/07/2026
𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐊𝐀𝐘𝐎?!
Itatak na ang Hulyo 17, 2026 sa inyong mga kalendaryo, at ihanda ang inyong mga sarili sa paparating na 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀!
Isang buwan na puno ng pagdiriwang ng sining, talento, at husay ng mga Mapúans. Handa na ba kayong masaksihan ang mga aktibidad sa paparating na Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026?
Narito ang mga aktibidad na isasagawa:
𝐓𝐀𝐋𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐓 𝐃𝐔𝐍𝐎𝐍𝐆
Damhin ang bagsik ng isip at husay sa 𝐓𝐚𝐠𝐢𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐧𝐨 (𝐖𝐢𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧), 𝐃𝐚𝐠𝐥𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐚𝐭𝐢, at 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐚𝐬𝐚, 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲
𝐒𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐊𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀
Masdan ang ganda ng ating pagkakakilanlan sa pamamagitan ng 𝐇𝐚𝐢𝐤𝐮𝐇𝐢𝐭, 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐮𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨, 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐧𝐥𝐚𝐡𝐢, 𝐏𝐢𝐧𝐭𝐨𝐒𝐞𝐧𝐲𝐨, at 𝐋𝐚𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐡𝐢.
𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐌𝐔𝐒𝐈𝐊𝐀
Huwag palampasin ang banggaan ng mga salita sa 𝐅𝐥𝐢𝐩𝐭𝐚𝐬𝐚𝐧 at ang himig ng 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲𝐚𝐧.
At siyempre, ang pinakahihintay nating lahat—ang pagtatapos ng pagdiriwang kung saan magsasama-sama ang buong komunidad sa ating 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐏Ú𝐀!
Huwag palampasin ang bawat sandali. Ihanda ang inyong sarili para sa karanasang tatatak sa inyong alaala.
𝐊𝐈𝐓𝐀𝐀𝐀𝐊𝐈𝐓𝐒!
Pananalita ni: Vincent Alan Caluya
Obra ni: Jastine Miel Bucu at Dia Lim